DIANE’s POV Pagkatapos namin kumain ay nagpunta kami sa isang park dito sa Manila. Ipapasyal na lang daw niya ako at hindi naman mainit sa park na pinuntahan namin dahil puno ito ng halaman sa paligid. Pati nga sa lapag ay pwedeng maupo dahil sa maganda at makapal nitong bermuda grass. May kinuha pa sa likod ng sasakyan si Shadon at binitbit niya ito pagpunta namin sa isang lugar. May katabing malaking puno at bermuda grass pa rin ang lapag. Binuklat niya ang hawak niya. Picnic mat pala ito. “Mister, bakit may dala kang ganyan?” tanong ko sa kanya. “Ito? Kumot ko ito. Baka bigla akong makaramdam ng antok at kailangan ko ng kumot kaya mayroon ako nito.” Natatawa niyang sagot sa akin. Hindi naman ako kumibo bagkus ay sumimangot pa ako. “Joke lang. Mayroon talaga kaming mat sa mga sa

