SHADON’s POV Ten ang labas ni Diane ngayon at possible pang gumabi dahil last day na niya. Nagsabi na siya sa Daddy niya na magpapasundo siya dahil sa mga dala niyang gamit at mga bigay ng mga kasama niya pero nagkita kami ni Tito at ako na ang umako. Nagkaroon ako ng lakas ng loob na harapin muli si Diane pagkatapos ng mahabang panahon na nawalan kami ng komunikasyon. Sapat na ang mga narinig ko at ginawa niya sa akin. Mahal pa rin niya ako, mahal pa rin ako ng Misis ko. Natanaw ko na ito at mukhang may hinahanap siya. Pinauwi ko si Tito kaya dapat lang na lumapit ako sa kanya. Pina-andar ko ang sasakyan at itinapat ko kung saan siya naghihintay. Bumaba ako ng sasakyan at hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya. Baka kapag makita niya ako ay tumakbo ito. Mas mabuti na nakikita ko

