51

1033 Words

DIANE’s POV “Misis, aalis ka pa ba?” tanong sa akin ni Shadon na nakayakap pa rin sa akin. Alam kong umaga na dahil maliwanag na sa labas. Nakapag-message lang ako kay Mommy kaninang madaling araw para sabihin na hindi ako makaka-uwi dahil kasama ko si Shadon at nag-uusap kaming dalawa. “Oo, pero matatagalan pa naman iyon kung makaka-alis ako. Mag-a-apply pa lang naman ako. Kung makapasa, itutuloy ko. Gusto kong subukan sana kahit sandaling panahon lang. Sana maintindihan mo ako.” Paliwanag ko sa kanya. Hindi ko ito nagawa noong sabihin ko sa kanya ang plano ko. “Kung iyan ang gusto mo, Misis, sige. Sasamahan kita sa Manila. Huwag mo lang akong hiwalayang muli. Mahal na mahal kita, Diane. Kung talagang magtatrabaho ka sa ibang bansa, sige, basta uuwi ka para sa akin.” Totoo ba ito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD