SHADON’s POV Naka-ready na ang gamit ko. Para akong mag-aasawa dahil sa iisang bubong kami titira ng aking Misis. Ang lahat ng ginagawa ko ay may basbas ng magulang niya. May binuo kaming plano kaya hindi sila nag-aalala kahit hindi umuwi si Diane sa bahay nila. Handa akong pakasalan si Diane kahit anong oras. Nagkausap na ang mga magulang namin na hindi nalalaman ni Diane dahil busy siya noon sa maraming bagay. Sa status namin ngayon ay kasal na lang ang kulang. Kung hindi pa ready si Diane na makilala ang family ko, mahalaga ang mga magulang namin ay may usapan na kasama ako. Hindi ko pa rin sinasabi sa mga kapatid ko dahil may mga nangyari rin nitong nakaraan kay Shador. May mga unit kami sa Manila na for rent. Mabuti at may umalis kaya doon kami titira ni Diane habang nasa Mani

