SHADON’s POV Kinabukasan ay maaga akong nagtungo sa palengke. Ako ang nagbuhat muli ng gulay ni Aling Donielyn. “Good morning po!” Masayang bati ko sa kanila. “Good morning, ‘Nong!” bati ni Mae. Siya ang nag-aayos ng mga paninda nila. Binabasa nito ang mga gulay. Wala si Zel, baka ito ang bumibili ng kape nila. “Nand’yan ba si Aling Donielyn?” tanong ko sa inaanak ko. “Nasa loob po, ‘Nong. Kumusta naman po ang paghahatid mo kay DJ, kagabi?” may nakakubling ngiti sa kanyang tanong. “Okay naman.” Tipid din akong ngumiti sa kanya. “Puntahan ko muna si Aling Donielyn.” Paalam ko sa kanya. Hindi na ako nakababa kagabi. Natuwa ako masyado sa sinabi sa akin ni Diane. Pumayag siyang umakyat ako ng ligaw. At ngayon ay ang Mommy naman niya ang kakausapin ko. “Good morning po, Aling Donie

