"YOUR drunk! Dos ano ba'ng nangyayari sa'yo? Baka nakakalimutan mo na may anak kang palaging naghihintay sa'yo?" kinagabihan umuwi si Dos ng lasing. Pagkagaling nito sa bahay ng mga Anderson dumeretso siya sa Montreal Platinum Bar. "And why are you here?" kunot-noong tanong niya kay Mia ng maabutan nito ang babae sa kanyang condo. "Ilang araw na kitang hindi mahagilap ah, hinahanap kana ni Trisha." sabi pa nito na ang tinutukoy niya ay ang kanilang anak. "Where is she?" tanong pa niya dito dahil talagang nawala na sa isip niya ang kanyang anak. "She's inside —nakatulog na siya sa paghihintay sa'yo." kaagad tinungo ang kanyang kwarto at nakita niyang tulog na tulog na ang bata. He sat down slowly on the bed—he was so careful not to wake up his daughter as he gently caressed her face.

