VERENA'S POV: Hiyang-hiya ako sa aking nagawa. Nag-iilusyon ako sa mga bagay na alam ko namang malabong mangyari pa. Naglakad ako papunta sa ibinigay nitong working table ko—naiinis akong naupo. Padabog kong inilapag ang aking shoulder bag sa table. Naiinis ako, nagagalit ako na hindi ko maintindihan. Dahil ba hindi natuloy 'yong kiss? O dahil ba biglang nagbago ang pakikitungo ni Dos sa akin? "Miss Anderson—may problema ba?" napapitlag ako ng muli ay marinig ko ang boses nito. "Wala po Mr. CEO," sagot ko naman ng hindi tumitingin sa kanya. Magkatapat lang ang table namin kaya alam kong nakikita niya lahat ng galaw ko. "Make some coffee," utos pa nito sa akin, pero nagbingi-bingihan ako. "Magtimpla ka kung gusto mo, tse!" bulong ng isipan ko. "I heard you whispered Miss Anderson.

