VERENA'S POV: ITO ang unang araw ko bilang secretary ni Dos Saavedra. Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan—bakit bigla na lang nagbago ang pakikitungo nito sa akin. The other week masaya pa itong bumisita sa amin at sinabing masaya siya at excited siyang makasama ako sa trabaho. "Rico, do I really have to do this?" tanong ko kay Rico na siyang magtuturo sa akin ng mga kailangan kong gawin bilang isang secretary. "Of course Ma'am. Ito po ang kabilin-bilinan sa akin ni Mister Saavedra. Kailangan niyo po ng kaunting briefing today." wika naman sa akin ni Rico. "Ano bunso kaya mo paba?" si Kuya ang lumapit sa amin habang abala si Rico sa pagtuturo sa akin. "Kuya, ano ba itong napasok ko?" nakalabi kong tanong, pero imbes na sumagot si Kuya tinawanan pa niya ako. "Kaya mo yan bunso—kape

