"Give me a sign Lord," that is all she wanted at that time. As Leo held her to dance, she saw Dos standing near them. Ito naba ang hinihintay niyang senyales? Muli siyang pumikit ng kanyang mga mata— ngunit sa kanyang muling pagmulat wala na ang binata kung saan niya ito nakitang nakatayo. Huminga siya ng malalim— at dito hindi niya namamalayan ang pagpatak ng kanyang mga luha. Hinawakan niya sa kamay si Leo na kanina pa nakaluhod sa kanyang harapan— para tulungan itong makatayo. Puno ng katanungan ang mukha ni Leo dahil hindi nito tinanggap ang hawak nitong singsing. "Leo—kung mayroon man akong ipinagpapasalamat sa Diyos iyon ay ang dumating ka sa buhay namin ng mga anak ko. Mabuti kang tao Leo— alam kong maiintindihan mo ako." her tear's started to fall upon saying those words. She d

