Pagyapak na pagyapak niya sa hagdaan, bigla na lamang nagkaroon ng malakas na pagsabog sa second floor. Subalit imbis na umiwas at magtago para sa kanyang sariling kaligtasan, walang atubiling nagpunta si Peter sa room ni Juliana upang iligtas ito. Pagdating niya ay bukas ang pintuan at nadatnan niya si Juliana na nanlaki ang mga mata at halos nanginginig ito. Kaagad na lumapit si Peter upang i-comfort si Juliana na kaagad napayakap sa kanya. "Sorry Juliana, kailangan nating tumakas sa lugar na ito!" "Nandito sila, Peter! Kitang kitang sila ng dalawang mata ko!" Nagkaroon ng sunod na pagsabog kaya naman labis na nabahala si Peter para sa kaligtasan ni Juliana. "Tsaka mo na idetalye ang lahat. Kailangan muna kitang dalhin sa labas ng hospital!" "Pero hinang hina pa rin ang katawa

