Namula si Juliana ng iabot ng gwapong detective ang kanyang kamay sa kanya. "Hi, I am Detective Peter, may ilang katanungan lang ako sayo miss!" "Sure, I am Juliana po, pasok ka po!" nakangiting sabi ni Juliana na nakipag handshake sa kanya. Naglakad papasok si Detective Peter at naupo. Humarap si Juliana sa kanya na halatang kinikilig, subalit umiiwas ito ng tingin sa kanyang mga mata dahil mayroon itong talim na sa kanyang pakiramdam ay binabasa ang kanyang bawat galaw. Naging seryoso ang mukha ng detective ng simulan nito ang kanyang mga tanong. "Mayroon ka bang mga napapansin na kakaiba ang kinikilos sa lugar na ito?" Pilit na nilalabanan ni Juliana ang kabang kanyang nararamdaman sa mga sandaling ito. "Wala po detective, hindi naman ako madalas na lumalabas ng bahay. At tsaka mas

