CHAPTER 5

1023 Words
"Grabe naman po Aling Marta, hindi po ba pwedeng magkaibigan lang kami!" pabalang na sagot ni Juliana. "Hello po sa inyo, ako si Robert! Ang bagong kapitbahay ni Juliana. Nice to meet you po Aling Marta!" nakangiting pagbati ni Robert. "Aba, ang inosente mo namang tingnan iho, sana lang ay totoong matino kang tao!" Ipinagtanggol naman ni Juliana si Robert sa panghuhusga ni Aling Marta. "Grabe ka naman po Aling Marta, gulay lang po ang binili namin ni Robert kaya wala ka pong karapatan na insultuhin siya!" Napatingin si Robert kay Juliana at hininaan nito ang kanyang pagsasalita para hindi marinig ni Aling Marta. "Okay lang ako, Juliana. Wala kang dapat na ikatakot sapagkat sanay na akong mahusgahan ng ibang tao!" "Eh kasi naman, namimihasa na 'yang gurang na yan! Palagi na lang siyang bully eh!" mahinang sabi ni Juliana kay Robert. "Hoy, anong binubulong bulong niyo jan?" paninigaw ni Aling Marta. "Wala ho, gusto kasi naming bumili ng sangkap sa pinakbet tapos nakalimutan namin ang recipe!" pagpapalusot ni Juliana. "Akala ko naman kung ano na! Ako na ang bahala, magkano ba ang budget ninyo?" "450 po, pero puwede po nating gawing 500!" sagot ni Juliana. At dahil sa sigurista si Aling Marta, gusto niya kaagad kuhain five hundred kay Julian. "Akin na ang bayad, mahirap na at baka bigla pa kayong tumakbo eh!" Nakasimangot na ibinigay ni Juliana ang 500 na galing sa kanyang bulsa kay Aling Marta. Siya na rin ang kumuha ng mga sangkap na kakailanganin nila sa pagluluto. Pagbalik nila, nagluto kaagad sila sa bahay ni Robert. Medyo may kaliitin ang loob ng bahay ni Robert at marami ring mga nakakalat na bote ng alak sa paligid at basyo ng mga sigarilyo. Hindi na lamang ito pinansin ni Juliana, sa halip ay nag focus lamang siya sa pagtulong kay Robert sa pagluluto nito ng pinakbet. Hiniwa niya ang sibuyas, kamatis, at sitaw sa lamesa, pagkatapos ay inilagay niya ito sa mangkok na may malalim na butas at ibinigay kay Robert. "Sige maupo ka muna, Juliana! Ako na ang bahala rito!" sambit ni Robert na binuksan ang kalan at naghanda ng mag luto. "Okay," naupo si Juliana at biglang nagtanong. "So, Robert, may tanong ako sayo? Wag mo sanang masamain kung okay lang!" "Ano 'yun Juliana?" sagot na tanong ni Robert na naka focus sa kanyang niluluto. "May girlfriend ka na ba?" Ngumisi si Robert na namutla at nagulat sa tanong ni Juliana. "Ha? At bakit mo naman natanong ang tungkol sa bagay na 'yan?" "Wala lang trip ko lang, ako kasi never been touch at never been kiss kung hindi mo naitatanong!" "Same, nakatutok kasi ako sa trabaho ko ngayon kaya pass muna ako sa mga ganyan ganyan!" "Wow, I see... alam mo ang swerte naman ng mapapangasawa mo, kasi mabait ka na responsable ka pang lalaki!" "Sakto lang naman ako, pero sa ganitong estado ng buhay ko, wala naman sigurong magtatangkang lumapit sa akin at sabihing gusto niya ako!" "Nako Robert, alam mo iba iba ang taste ng mga babae. Kagaya ko, hindi ko gusto ng mayamang lalaki, basta gwapo naman-" "Eh di ekis na ako sayo kasi hindi ako gwapo?" pagsingit ni Robert. "Pero siyempre exempted ka naman, kahit hindi gwapo basta't makisig ang pangangatawan at mukhang hindi masamang tao kagaya mo!" "Salamat naman kung ganoon," tumingin si Robert kay Juliana. "Gusto mo bang magkape or kumain ng tinapay?" "Sige salamat, okay lang naman ako... sana talaga magustuhan ni lola ang pinakbet ng magkaayos naman kaming dalawa!" "Gusto mo bang kausapin ko rin siya? Baka kailangan lang na may ibang taong kumausap sa kanyan para maging okay na kayo!" Agad namang tumutol si Juliana sa sinabi ni Robert. "Nako wag, kaya na ng powers ko si lola. Maliit na bagay lang naman ang pinagawayan namin, alam mo sa totoo lang, palagi na lang siyang kontrabida sa buhay ko!" nakasimangot na sabi ni Juliana na hindi na naitago ang sama ng kanyang sama ng loob. "Lambingin mo lang, baka kasi may nangyari na sayong masama dati na ayaw lang niyang maulit muli!" Naalala ni Juliana ang nangyaring murder sa pamilya ng kanyang amo noon sa maynila. Niyakap ni Juliana ang kanyang sarili at nanginig ang kanyang buong katawan habang inaalala niya kung paano niya nasaksihan ang karumal dumal na krimen. Tumingin si Robert at nakita niya na para bang nababalisa si Juliana. Itinigil niya ang kanyang pagluluto at tumabi siya kay Juliana. "Anong nangyayari sayo? May nasabi ba akong masama? Mayroon bang bumabagabag sa iyong isipan?" sunod sunod na tanong ni Robert. Wala siyang narinig na kahit isang salita galing sa bibig ng dalaga na patuloy na nanginginig ang katawan. Kinuha ni Robert ang kanyang jacket na nakasabit sa likod ng kanyang pintuan sa kanyang kwarto at dali dali niyang isinaplot ito kay Juliana. "Sorry, ano ba ang nangyari? Pasensya ka na kung may nasabi akong nakaka offend!" Tulala si Juliana at biglang pumatak ang luha sa kanyang mga mata. Niyakap siya ni Robert ng mahigpit at patuloy itong humihingi ng tawad. "Sorry kung may nasabi akong mali, Juliana!" nagsusumamong saad ni Robert. Nang maramdaman ni Juliana ang mainit na katawan ni Robert ay para bang binuhusan ito ng malamig na tubig. Tumayo siya at nanghingi ng paumanhin. "Sorry, Robert! May bumabagabag lamang sa isip ko, medyo may nga nag flashback lang kasi sa akin. Wag kang mag alala, wala ka namang kasalanan!" sambit ni Juliana na patuloy na umiiyak. Tumayo si Robert sa harapan ni Juliana. "Matindi suguro ang pinagdaanan mo dati, bakas pa rin sa mga mata mo ang takot, iingatan ko na ang mga salitang bibitawan ko sa susunod!" Niyakap ni Robert si Juliana ng mahigpit kaya napatanong ito habang namumutla ang kanyang mga pisngi. "Ano ang meron, Robert?" "Pasensya ka na, Juliana... isa ako sa mga taong naging dahilan ng trauma ng mga nabibiktima ng sindikato namin. Mabait kang tao, samantalang ako ay isang kriminal na walang karapatang umibig ng isang kagaya mo! Kung maibabalik ko lang ang panahon, sana ay hindi na lang nag krus ang landas nating dalawa!" sambit ni Robert sa kanyang utak. "Robert okay ka lang?" Muling tanong ni Juliana.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD