CHAPTER 4

1223 Words
"Ayaw niya kasi akong palabasin! Natatakot siya na baka may mangyari sa akin na hindi maganda kasi marami na raw ang loko-loko ngayon sa labas!" "Hayaan mo na, ganun talaga ang tao kapag nagkaka-edad! Ikaw nalang ang mag adjust!" "Alam ko naman yun kaso hindi minsan kasi sobrang Over reacting na sila!" "Suyuin mo kaya siya? Alam mo ang gamot sa tampo ay yakapsule at kisspirin!" "Nako, hindi naman uso sa aming dalawa yun! Nako-kornihan talaga kasi talaga ako sa mga ganyang mga bagay!" "Try mong gawin para sa lola mo. Hindi kaya lutuan mo siya or ipasyal mo siya sa mall para mawala ang tampo niya!" "Hindi naman ako magaling magluto eh!" wika ni Juliana. "Marunong akong magluto ng pinakbet, baka matulungan ko kayong mag-ayos!" "Really? Sakto paborito yun ni lola. For sure ako na mas magugustuhan niya yan! Kaya lang kailan ka pwede?" "Pwede natin gawin ngayon. Hindi muna ako papasok sa work para lang sayo!" Pilit mang itago pero halata pa rin kay Juliana ang kilig sa kanyang mga pisngi. "Sige ikaw ang nagsabi n'yan ha!" "Oo naman pramis, so gusto mo bang pumunta ngayon sa palengke para makagluto tayo or pipitas nalang tayo ng tanim ninyo. Naalala ni Juliana na mainit ang dugo ng lola niya kay Robert. "Actually, mas okay siguro kung sa palengke tayo bumili ng mga ingridients para alam mo na, makagala tayo. Masarap kasi ang simoy ng hangin sa labas." "Sige magbibihis lang ako sa kwarto. Pakihintay ako Juliana." "Walang problema Robert. Kukuha lang ako ng pera sa bahay! Kita tayo sa labas!" "Sige, Juliana!" Naglakad si Juliana sa labas at dali dali siyang nagpunta sa bahay niya para kumuha ng pera. Kumuha siya ng pera sa kanyang nakasabit na pantalon ngunit 20 pesos lang ang kanyang nakuha. Dahan dahan siyang pumunta sa kwarto ng kanyang lola. Nadatnan niyan itong natutulog ng mahimbing kaya naman ay sinamantala niya ang pagkakakataon para makakupit ng pera mula rito. Nagkita sila ni Robert sa labas at naglakad papunta sa palengke. Maaliwalas ang sikat ng araw na siyang nagbibigay buhay sa kanilang paligid. At ito ang naging topic nila sa kanilang usapan. "Ang ganda talaga kapag nasa province ka, marami kang makikitang mga iba't ibang mga puno at halaman sa paligid!" Sumangayon naman si Juliana sa sinabi ni Robert, "tama ka jan! kaya hindi ako nagsisi na dito ako lumaki sa province. Simple lang ang pamumuhay pero masaya. Sa maynila kasi puro malls ang makikita mo, bihira ka makakita ng nature. Eh kung hindi nga lang nakakatulong ang mga puno laban sa polusyon baka matagal ng naging papel ang mga puno sa gitna ng mga highways eh!" Nagtaka naman ni Robert na naisalaysay ni Juliana ang sitwasyon sa Metro Manila gayong hindi pa nito nakikita ang nasabing lugar. "Teka, akala ko ba hindi mo pa nasisilayan ang Metro Manila? Bakit parang base sa pananalita mo, nanggaling ka na dun?" Nabalisa si Juliana dahil sa kanyang makating labi. Pero kagaya ng kanyang nakagawian, mas pinili niyang magpalusot para hindi mabuking na galing siya sa Maynila. "Ahh, hindi naman ako nagpunta doon. Madalas kasi ako manood ng T.V kaya madalas kong makita ang Metro Manila. At tsaka sadyang matalino lang din ako magpaliwanag, true to life kumbaga!" "Ahhhh, pero tama ang sinabi mo! Kaya kapag lumuwas ka sa Metro Manila, dapat bumili ka ng face mask kasi magiging itim yung laman ng ilong mo kakalanghap sa usok ng mga sasakya!" "Kaya nga eh! At tsaka mas maganda sa province kasi fresh from the farm ang pagkain! Sino nga pala ang nagturo sayo na magluto?" "Ganito talaga siguro kapag mag-isa ka nalang sa buhay. Kailangan lahat ng bagay alam mo para maka survive ka!" "Sabagay tama nga naman ang sinabi mo. Pero hindi ka na nag-iisa kasi nandito na ako! Robert, huwag kang mahihiya sa akin kapag may problema ka or wala kang pagkain. Tutulungan kita sa abot ng makakaya ko!" nakangiting sabi ni Juliana. "Salamat, Juliana. Maswerte ako kasi naging mabait ang kapitbahay ko hehe!" Nakita nilang dalawa ang babaeng kumakaripas ng takbo papalapit sa kanila. May bitbit itong bag na pink at nakasuot ng sleveless na damit. Nasagi nito si Robert at natumba silang dalawa. Natapon naman ang laman ng kanyang handbag. "Ay sorry, iho! Nagmamadali kasi akong umuwi dahil masakit ang tiyan ko!" sabi ng babae matapos nitong matumba at masugatan ang kanyang tuhod. "Wala pong problema, I feel you po! Pero may sugat po kayo sa tuhod miss! Bumili po tayo ng alcohol at band aid para hindi po 'yan lumala." "Salamat iho, pero hindi kasi ako makatayo. Nahulog pa ang laman ng bag ko! Grabe sunod sunod na kamalasan sa buhay!" "Ale, grabe ka naman po! Nakabangga ka po ng tao pero bag mo parin ang iniisip mo!" pagtataray ni Juliana sa babae. "Okay lang naman ako Juliana!" sabi ni Robert habang dinadampot ang lamang ng bag ng babae. Ibinigay ni Robert ang bag ng babae at tinulungan niya itong makatayo. "Salamat sayo iho!" sabi ng babae sa kanya. "Walang anuman po, gusto niyo po bang samahan namin kayo?" "Ha? Mag c-cr ako eh!" "Hindi po ba kayo bibili ng band aid para sa sugat ninyo? Mahirap po kapag na-infection yan!" pagaalala ni Robert. "Salamat na lang iho! Wag kang mag-alala kasi malayo yan sa bituka ko. Mas malala pa nga yung sugat ng puso ko ng iwan ako ng asawa ko eh!" "Sige na po Ale, baka maikwento mo na ang buhay mo at dito ka magkalat ng dumi sa kalye!" pagsusungit ni Juliana sa babae. Naglakad na ang babae papalayo. Tinanong naman ni Juliana kung okay lang si Robert. "Okay ka lang ba friend? Mukhang malakas yung babae na 'yun kasi napatumba ka niya!" Ngumisi si Robert, "oo nga eh, baka kasi hindi na niya matiis kaya ganun na lang kung tumakbo siya!" "Akala mo naman sasali sa running competition! Pero infairness ang ganda ng bag niya at wallet. Pink na pink ang kulay. Ako nga tag 10 pesos na wallet lang ang kaya kong bilhin eh!" malungkot na sabi ni Juliana. Nagpatuloy sila sa paglalakad habang nag uusap. "Hayaan mo, magbabago rin ang sitwasyon natin! Siya nga pala, malayo pa ba tayo?" "Ah hindi naman, sa katunayan malapit na tayo! Pasensya ka na ha! Madalang talaga ang sasakyan dito sa lugar. Kadalasan kasi traysikel ang kadalasang bumibyahe dito pero nataon na wala tayong nakita!" pagpapaliwanag ni Juliana. "Okay lang naman sa akin. Hayaan mo kapag nagkamotor ako, mas mapapabilis tayong dalawa!" "Mas masarap parin naman maglakad para tamang excercise!" sabi ni Juliana sabay ngiti. Ilang minuto ang nakalipas, nakarating na sila Juliana at Robert sa palengke. "Sa wakas nakarating na rin tayo!" sabi ni Juliana kay Robert. "Mas kaunti ang tao dito kumpara sa Maynila! Mas mapapabilis tayo." "Oo naman! Kabisado mo yung sangkap ng pinakbet hindi ba? Alin ang uunahin nating bilhin?" "A-h oo naman! Ang una nating bilhin ay sitaw, kalabasa, okra, tapos alamang, kamatis, ampalya, talong, bawang, sibuyas, luya at tsaka karne na rin!" "Wow, napaka specific mo naman! Sige pumunta tayo sa suki namin ni lola. For sure akong makakamura tayo kapag sa kanya tayo bumili!" Pumunta si Juliana at Robert kay Aling Marta. Nang makita sila nito ay diretsahang tinanong ni Marta kung nobyo ba ito ni Juliana. "Hoy Juliana, sino yang kasama mo? Jowa mo ba o manliligaw?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD