CHAPTER 3

1073 Words
"Uy, Mare nabalitaan mo ba ang nangyari kay Congressman? Grabe ang pagpatay sa kanya! Halos tadtarin siya ng bala sa katawan tapos ninakawan pa siya ng milyong halaga ng pera at ang nakakalungkot pa dun, pati ang walang kalaban laban na anak niya ay napatay rin ng mga salaring hindi pa nakikilala," kwento ni Aling Lucing na isang dakilang maritess sa lugar. "Talaga? Parang yung nangyari lang sa maynila isang taon na ang nakakaraan? Ano raw ang hitsura ng mga magnanakaw? Baka mamaya naging customer ko pala dito yan. Jusko po!" Nag aalalang sabi ni Aling Marta. "Huwag kang mangamba wala naman silang target na nagtitinda ng gulay. Ayon sa ilang mga saksi, nakaitim sila at may mask ang kanilang mga mukha. Hirap na hirap ang mga pulis ngayon sa kanilang imbestigasyon dahil sa kaunti lang daw ang evidence!" Paliwanag ni Aling Lucing. "Makapagsara nga nang maaga mamaya, ang hirap talaga ng buhay ngayon. Marami na ang kumakapit sa patalim para mabuhay!" "Alam mo feeling ko, karma ang nangyari sa Congressman. Marami raw kasing babae 'yun at may balita pang kumakalat na may naanakan siya sa ibang babae!" "Alam mo mare, kahit sino pa yan at kahit na sabihin natin na nambabae siya, hindi pa rin deserve ni Congressman ang nangyari sa kanya!" Pangangaral ni Aling Marta sa kumare niyang chismosa. "Oh siya, pabili na lang ako ng sayote at labanos!" Dumeretso na ng lakad si Juliana. History repeat itself ang nangyayari sa kanya at sadyang hindi yata siya pinapatahimik ng kanyang malagim na nakaraan. Pag-uwi niya sa bahay ay nakita niya ang kanyang lola na nagwawalis sa tapat ng kanilang bahay. Nagmano siya rito at sinabi na nadismaya si Aling Marta sa mahal ng bayad sa pagpapatahi. "Lola, pinagalitan po ako ni Aling Marta kanina, ang mahal daw po ng singil natin sa kanya!" pagsusumbong ni Juliana sa kanyang lola. "Aba anong akala niya? Gasolina lang nagmamahal? Hindi na uso ang kaibigan sa negosyo. Marami na akong naging customer dati pero ni isa wala akong narinig na nagreklamo tungkol sa patong ko sa presyo ng mga ipinatahi nila, kakaiba talaga yang babae na yan!" "Napahiya tuloy ako ng bongga kanina!" pagdadahilan pa ni Juliana. "Mabuti nalang pala at hindi ako ang nagpunta sa palengke, pag nagkataon baka magkasagutan kami ni Mareng Marta!" sabi ni Lily na halatang nanggigigil sa kanyang kaibigan. "Sige po, papasok na po ako sa loob!" Hinawakan ni Lily ang braso ng kanyang apo at ibinalita ang nangyaring nakawan sa kabilang barangay. "Teka, Juliana. Wag ka ng lumabas masyado simula ngayon. Nabalitaan ko sa t.v kanina na nasa kabilang barangay ang mga magnanakaw na tinakasan mo dati!" bulong niya rito. "Lola naman, baka may makarinig po sa inyo niyan! Hindi po ba't gusto ko nang makalimot sa nangyari dati! Sige ka po, kapag may nakarinig sa atin baka bukas makalawa, patay na rin po tayo!" "Kaya nga apo, hindi ka muna lalabas simula ngayong araw! Magtanim ka muna at hintayin natin na mabaon sa limot ang nangyayaring nakawan para safe pa rin tayong dalawa!" nangangambang sabi ni Lily. "Hindi po! Magtataka ang mga tao sa paligid kung hindi na ako lumabas?" Pagtutol ni Juliana sa gustong mangyari ng kanyang lola. "Basta wag kang makulit. Hindi ka lalabas at lalong hindi ka na makikipag-usap jan sa Robert na yan!" paguulit ni Lily sa kanyang sinabi. "Pati ba naman yun lola? Hindi naman po makatarungan yun! Sige ka, lalayas ako dito sa bahay mo kapag pinagbawalan mo akong makipag-usap kay Robert!" pananakot ni Juliana sa kanyang lola. "Napaka tigas talaga ng ulo mong bata ka! Bahala ka na sa buhay mo. Hindi mo na talaga ako sinusunod." "Wag na kayong magtampo sa akin Lola. gusto ko lang naman pong ituon ang atensyon ko sa ibang mga bagay. Hindi naman po siguro masama kung makikipag kaibigan ako kay Robert. Tutal kapitbahay naman po natin siya. Mahirap naman po kung pati siya ay iiwasan ko pa!" Tinalikuran ni Lily ang kanyang apo at pumasok ito sa loob ng bahay. Simula nito ay hindi na pinapansin ni Lily ang kanyang apo. Hindi niya ito pinaglulutuan ng pagkain at mag isa siyang nagtatanim sa kanilang bakuran. Bagamat alam ni Juliana na may tampo ang kanyang lola , palihim pa rin itong nakipagkita kay Robert sa loob ng bahay nito. "Robert, pasensya ka na ha! Madalang akong nakikipagkita sayo. Alam ko kasi na busy ka rin sa work at madalas pagod ka!" sabi ni Juliana. "Wala yun, okay lang naman sa akin kung araw-araw tayong nagkikita or hindi tayo madalas na nagkikita. Basta okay lang tayo!" Hinawi ni Juliana ang kanyang mahabang buhoy, "Ano kaba maliit na bagay. Siya nga pala dinalhan kita ng talong kasi sabi sa akin ni Lola, pangpahaba ito ng buhay at syempre masarap!" "Nako, nag-abala ka pa! Pero salamat pa rin kasi wala na akong uulamin mamaya, ang hassle naman kung mamamalengke ako!" "Walang anuman. Wag kang mag-alala, bukas ibang gulay naman ang ibibigay ko sayo!" "Salamat, pero nakakahiya kasi kapag araw-araw mo akong bibigyan!" "Ano kaba? Bukal naman sa loob ko ang ginagawa kong pagbibigay. At tsaka marami naman kaming tanim so gusto ko lang magshare ng blessings!" "Sige, hayaan mo babawi talaga ako. Medyo gipit din kasi ako ngayon at kaliit ng sinusweldo!" "Try mo maghanap sa iba? Baka kasi nasa maling kumpanya ka lang!" "Sino ang tatanggap sa isang kagaya ko? Kung hindi nga lang malaki ang katawan ko, baka walang tumanggap sa akin eh!" Pinalakas ni Juliana ang loob ni Robert, "ano kaba may mga employers pa rin na tumitingin sa kakayahan ng mga aplikante. Hindi naman porket mababa ang pinag-aralan mo, mababa na rin ang tingin mo sa sarili mo. Ako nga tapos ako ng hayskul pero mataas ang self confidence ko!" "Talaga? Salamat sa advice pero napamahal na kasi ako sa work ko and parang family na ang turingan namin sa isa't isa. Nandiyan sila parati sa tabi ko sa lungkot at ligaya, hirap at ginhawa. Mahirap itapon ang ganung samahan!" "Mabuti ka pa may mga kaibigan, samantalang ako ramdam ko na mag-isa na lang ako!" malungkot na sabi ni Juliana. "Bakit naman? Hindi ba kayo close ng lola mo? Hindi ba't sa kanya ka nakatira?" sunod sunod na tanong ni Robert. Napasimangot bigla si Juliana sa sinabi ni Robert, hindi niya kayang itago ang kanyang totoong nararamdaman sapagkata mayroon silang tampuhan ng kanyang lola. "Sa katunayan mayroon kaming tampuhan ni lola ngayon!" "Bakit naman?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD