"So..... how long have you been planning to stay here?" Tanong ng Daddy ni Robert sa kanilang mag-asawa. Nasa airport sila ng mga sandaling iyon upang ihatid ang kanilang mga magulang sa kanilang flight pabalik ng Pilipinas. "One or two weeks, it depends...... pwede ring a month or two." Nakangiting sagot ni Robert. "Well, hindi kami kokontra diyan, basta you promise us that you will give us a twin, para hindi kami mag-agawan ni kumadre sa magiging apo namin." Biro ng kanyang Mommy. "Sure, mamayang gabi palang uumpisahan na namin and we will work on it overtime." Nakangiting sagot ni Robert saka inakbayan si Berlyn na namumula sa kanyang sinabi. Nakatanggap ito ng mahinang siko sa kanyang tagiliran mula kay Berlyn. "Ouch!!" Kunwa ay nasaktan si Robert. Nagtawanan naman ang kanilang mg

