Masaya silang sinalubong ni Linda pagkababa nila ng sasakyan. Umabot sila ng tatlong linggo sa kanilang masaya honeymoon. Hindi pa sana sila uuwi pero palagi ang tawag ni Ms. Tricia kay Robert dahil ang mga board daw ay humihingi ng meeting. Mas gusto daw kasi nilang kausap si Robert kaysa sa CEO dahil mas alam nito ang takbo at detailed ng negosyo. Nagagalit nga daw ang CEO sa kaartihan ng mga board members. Sa kabilang banda, gusto na rin namang makabalik na ni Berlyn dahil palagi siyang kinukulit ng Mrs. Salvador. "Liza, please inform that Mrs. Salvador to meet me tomorrow at the office around 9 o'clock." Utos niya sa sekretarya nang nasa kuwarto na siya. Kausap niya sa cellphone si Liza "Yes, Ma'am." Pabuntong hininga siyang naupo sa gilid ng kama. Sobra talaga siyang napag-iisip ng

