Magdadalawang Linggo na buhat ng manggaling sila sa hospital ni Robert, ang balita niya ay panay parin ang iyak ni Melanie at hinahanap si Robert pero kahit papaano ay may improvements naman daw sa kalagayan nito. Na-i-endorse na niya lahat ng mga bagay sa opisina, kila Liza, at si Mr. Santos ay magdadalawang Linggo na ring nagrereport sa branch office nila. Naging malambing din siya kay Robert, kung pupuwede lang sana ay hindi na siya humiwalay pa kay Robert sa bawat sandal dahil ayaw niyang masayang ang kaunting sandaling makakasama niya ito. Naging madalas din ang kanyang pagkakahilo at pagsusuka, lalo na sa umaga pagbabangon na siya, kahit tamad na tamad at madalas sumasama ang pakiramdam ay ayaw niyang hindi siya makapasok sa opisina dahil kailangan niyang ayusin ang iba pang mga da

