"I thought, sa OB tayo pupunta? What the hell are you doing!?" Galit si Robert na tinanong si Berlyn. Upang maisama nito si Robert sa hospital na kinaroroonan ni Melanie at makita nito ang kalagayan ng huli ay idinahilan niyang siya ang magpapaschedule ng appointment sa isang OB. Bago sila umalis ni Robert ng bahay ay excited pa ang huli, pero ang kaninang saya at ngiti sa mukha ay napalitan ng galit. "Please Robert, pagbigyan mo na ako, alam kong ito lang ang makakatulong kay Melanie upang bumalik siya sa dati at mawala ang depresyon niya." Pakiusap at paliwanang narin niya. "I can't!" Galit pa ring sabi ni Robert saka ito humakbang palayo sa pintuan ng kuwartong kinaroroonan ni Melanie. Hinabol siya ni Berlyn at yumakap sa likuran nito. "Please, gawin mo ito para sa akin." Naluluhang

