Kahit pilit na iwaksi ni Berlyn sa isip niya ang kalagayan ni Melanie, sadyang maya't-maya ang balik nito sa kanyang isipan lalo ang tagpong nakita niya sa hospital. Napabuntong hininga siyang inilapag ang hawak na ballpen sa kanyang mesa. Isang linggo na ang nakalipas mula ng pumunta siya ng hospital. "Okay lang po ba kayo Ma'am?" Tanong ni Liza na napatingin sa ginawa ni Berlyn, busy sila ng mga sandaling iyong na nag-aayos ng mga request order para sa maipadala sa Cebu at maiship agad-agad. "I'm fine, medyo masakit lang ang ulo ako at nahihilo ako." Wika niya saka sinapo ang ulo sa dalawang kamay na ang siko ay itinukod sa ibabaw ng mesa. "Baka po napapagod kayo, ako na lang po ang magtatapos nito papatulong nalang po ako sa iba nating staff upang makapagpahinga kayo." Pag-aalala ni

