Kanina pa nasa lobby ng isang hospital si Berlyn, pabalik-balik ito ng lakad. Tutuloy ba siya o hindi? Iyon ang nasa isip niya. Sa bandang huli, tumuloy siya.... hinanap ang room number na nakasulat sa papel. Nang makita, sumilip ito sa may maliit na salamin ng pinto kahit medyo nakaawang ang pagkapinid nito. Nakita niya si Mrs. Salvador, kausap ang nagtatrantrums na isang naka all white hospital gown. Si Melanie. Pumayat ito ng husto, ang maypagka-glamorosang pustura ng huli niyang makita ay tila nawala. "Mommy, I want Robert." Emosyonal na wika nito. "Iha, Robert is still in Australia." Pagdadahilan ng ina. "Let's go there, please. I miss him." "Pagaling ka muna iha, kapag magaling kana, pupuntahan natin siya promise iyan." "Pero Mommy, hindi niya ako pinapansin, pinagtatabuyan niy

