Kanina pa nakaalis ang ginang, subalit hindi parin natitinag si Berlyn sa pagkakatitig sa pinto kung saan hinatid tanaw niya ang laylay balikat na ginang. Nakadama siya ng lungkot sa mga nalaman. Agad siyang nagpaalam kay Liza na uuwi na muna at dinahilang masakit ang kanyang ulo. Nawala siya sa mood magtrabaho ng araw na iyon. Pagdating ng bahay ay dumiretso siya sa kuwarto, nagulat si Linda ng dumating siya. "Mukhang matamlay po kayo? At ang aga ninyong umuwi?" "Masaki tang ulo ko Linda, doon muna ako sa kuwarto at magpapahinga." "Gusto ninyo po bang hatiran ko kayo ng makakain doon?" "Huwag na, pagka nakapahinga ako ay bababa din ako at kakain." "Sige po." Naupo siya sa gilid ng kama, binasa ang text message niya, galing kay Robert. "I will go home early Hon. I called you into

