Gabi na ng makauwi si Robert dahil sa dami ng meeting na kinailangan niyang puntahan. "Sir, wala pa po si Ma'am Berlyn. Pero nagtataka ako hindi niya ginamit ang kanyang kotse." Salubong ni Linda sa kanya. Kuno't noong napatingin si Robert kay Linda. "Nakita ko nga ang kanyang kotse sa garahe, kaya akala ko andito na siya." Wika nito saka kinuha ang kanyang cellphone at idinayal ang numero ni Berlyn. The subscriber cannot be reached, please try again later. Dumayal ulit siya. The subscriber cannot be reached, please try again later. Sinubukan ulit....... The subscriber cannot be reached, please try again later. Kuno't noong dumayal ulit. The subscriber cannot be reached, please try again later. Buntong hiningang napatingin sa kanyang cellphone. "Hindi ko siya makontak at tila na

