Amara POV Nakatungo ako habang ginagawa ang unang task na binigay ni Damon—financial report pa talaga, sa lahat ng puwede niyang ipagawa. Halos nanginginig ang kamay ko habang tina-type ang figures sa spreadsheet. Hindi ko alam kung dahil sa lamig ng aircon o dahil naroon siya… nakaupo sa swivel chair niya, nakapangalumbaba, tinititigan ako na para bang bawat pagkakamali ko ay may kapalit na buhay. Ang tahimik ng buong office. Walang maririnig kundi ang tik-tak ng keyboard at ang unti-unting pagbilis ng t***k ng dibdib ko. Minsan-minsan napapahawak ako sa papel, making sure tama ang numbers, ayokong magkamali. Hindi ko kayang isipin kung ano mangyayari kapag nagalit siya. Naramdaman kong lumapit siya. Hindi ko siya naririnig maglakad, pero bigla na lang may presensya sa likod ko—mabigat

