Amara POV Paglabas ko ng kuwarto, nagulat ako dahil naka-ready na ang pagkain. Sa gilid ng sala, nakahilera ang maraming karton na dilaw, may tatak na Louis Vuitton. Mga mamahaling bag at damit. Napalunok ako. Napatingin ako kay Damon. “Ano ’yang mga ’yan?” tanong ko, kunot-noo, kahit alam ko na kung para kanino—purong pang-babae. Ngumiti siya. “Sa’yo. Inalam ko kung ano ’yung mga gusto mo.Tinawagan ko si Mang Julio, Yan daw ang mga gusto mo.” Natigilan ako. Totoo naman. Pangarap ko talaga ang mga ’yon, kahit sinong babae siguro. Spoiled din ako noon ni Daddy, sanay ako sa mamahaling bag at damit. Malayo ang ugali ko kay Ate Belle, pinsan ko, siya simple, ako maporma. Kaya alam kong hindi ito basta hula lang ni Damon. Napatingin ulit ako sa kanya. “Mamaya, tignan mo. Baka magustuha

