Amara’s POV
Gabi.
Iisa lang ang kuwarto namin ni Damon. Pagkatapos kong mag-shower, diretso agad ako sa kama. Si Damon naman ay nakaupo sa sofa sa loob ng kuwarto, tahimik na nagbabasa. Nang makita niyang tapos na ako, tumayo siya at dumiretso sa banyo para mag-shower.
Habang nasa shower si Damon, nilibot ko ang tingin ko sa buong kuwarto. Malaki ito, sobrang laki, parang pang-hotel. Pero halos wala namang gamit. Ilang libro, isang sofa, at ilang personal niyang bagay lang. Panlalaking-panlalaki, simple pero malamig tingnan… parang siya.
Oo, mayaman sila. Hindi lang basta mayaman—sobrang yaman. Pero bakit ganon? Parang may lungkot sa paligid niya. Parang kahit gaano karami ang pera nila, kulang pa rin siya sa isang bagay.
“Siguro kaya ganun ugali niya… walang nagmamahal sa kanya,” bulong ko sa sarili ko.
Kami naman, mayaman din kahit hindi kasing yaman nila. Pero masaya kami noon, lalo na nung buhay pa si Mama at hindi pa nalululong si Papa sa sugal. Noong hindi pa wasak ang buhay namin. Noong hindi pa ako nasasangkot sa buhay ni Damon Marcellus… na parang bagyo na bigla na lang dumating at ginulo ang mundo ko.
Hindi ko namalayang napapahawak na pala ako sa kumot habang nakatitig sa kisame, iniisip kung paano ba naging ganito ang buhay ko. Nang biglang bumukas ang pinto ng shower room.
Lumingon ako—at muntik na akong mapaupo nang diretso.
Si Damon lumabas, basa pa ang buhok, at nakatapis lang ng puting tuwalya sa bewang niya. May tumutulong tubig mula sa buhok niya pababa sa dibdib niya… na para bang sinadya ng langit na i-highlight ang bawat linya ng muscles niya.
Umayos ako ng higa kahit wala naman akong inuulit na maling ginagawa.
Naglakad siya papunta sa cabinet niya, halatang walang pakialam kahit may babae siyang kasama sa iisang kuwarto.
“Tumingin ka pa nang mas matagal, Amara. Baka mawala ako,” malamig pero mapanuksong sabi niya nang hindi man lang lumilingon.
Napakurap ako. “Hindi ako tumitingin,” tanggi ko, kahit halatang-halata.
Narinig ko siyang mahina tumawa nang unti. The audacity.
Lumapit siya sa gilid ng kama para kunin yung phone niya. Dahil basa pa siya, may ilang patak ng tubig na tumulo sa kama malapit sa akin.
Tumingala ako nang bahagya—at doon ko siya naabutang nakatitig sa’kin. Hindi yung normal niyang tingin na suplado. Ibang tingin iyon… parang nanghihila.
“Kanina ka pa tahimik,” bulong niya. “May iniisip ka?”
Iniiwas ko ang tingin. “Wala.”
“Liar,” sagot niya, mas mahina, mas malalim ang boses.
Umupo siya sa tabi ko, hindi man lang nag-abala na lumayo. Para bang sinasadya niyang paliitin ang mundo namin sa iisang pulgada.
“May kailangan ka?” tanong niya.
“Space,” sagot ko agad.
Ngumiti siya. Yung tipong ngiti na parang alam niyang ginawa mo siyang problema kahit hindi mo gusto.
“Too late,” sabi niya. “Nasa buhay mo na ako.”
At bago pa ako makasagot, yumuko siya para abutin yung kumot ko, at sa sobrang lapit namin, halos magdikit na ang mga ilong namin.
Ramdam ko ang init niya. Ramdam ko yung kilig na pilit kong pinipigil.
“Matulog ka na,” dagdag niya, mahina.
Pero bago siya tumayo, bulong pa niya:
" Wala kang kawala sa’kin, Amara.”
“Inis na tinulak ko si Damon. “Pwede ba, dun ka nga sa sofa! Don’t tell me talagang magkatabi tayo?”
Mataray kong sabi iyon, at hindi ko na tinago ang iritasyon ko.
Umangat ang kilay niya, amused na amused. “Malamang. Malaki naman tong kama, ah.”
“Eh di lalo! Kaya doon ka sa sofa!” balik ko, halos mapa-facepalm na sa kapal ng mukha niya.
Imbes na umatras, mas lalong lumapit. Yung tipong gusto mo siyang hampasin ng tsinelas pero parang bawal dahil ang guwapo niya. Nakakainis.
“Don’t worry,” sabi niya, very casual pa. “Hindi kita gagalawin. You’re not my type.”
Napasinghap ako. “Excuse me?”
Ngumiti siya—yung nakaka-high blood na ngiti. “Mabubusog ba ako sa dibdib mong… flat-chested?”
Nanlaki ang mata ko. “Hoy!” Hinampas ko agad siya ng unan sa balikat. “Ang bastos mo!”
Natawa siya nang malakas, iyong tawang parang ginawa niya lang akong libangan.
“Araay,” kunwari niyang reklamo pero halatang nag-eenjoy. “Sensitive pala sa compliment.”
“Compliment?!” Halos maubos ang hangin ko. “Gusto mo hampasin pa kita ng mas malaki?!”
Naglakad siya paatras, hawak ang tawa niya, bago tumingin ulit sa’kin na parang siya ang nanalo sa kung anong laro.
“Kumalma ka, Amara,” sabi niya. “Baka lalo kang lumiit sa galit.”
“DAMON!”
Pinagtatawanan niya ako pero sa loob-loob ko… hindi ko alam kung gusto ko siyang hampasin ulit o takpan ng unan yung mukha ko dahil sa kilig na pilit kong itinatago.
“Doon ka sa sofa, Damon,” mariin kong ulit habang pinupunasan ko ang mukha ko sa inis.
“Hindi.”
Diretsong sagot niya. Walang pag-aalinlangan. Walang kahit konting effort na magpaliwanag.
Napapikit ako nang madiin. “Ano bang problema mo? Malaki naman ang sofa—”
“Hindi ako natutulog sa sofa,” putol niya. “Masakit sa likod. And besides… bakit ako lilipat kung may kama naman?”
“Eh dahil ayaw ko!” halos mapasigaw ako.
Naglakad siya papunta sa side ng kama at humiga—humiga talaga—na parang wala akong sinabi. Dahan-dahan pa siyang nag-unat ng braso na parang sa kanya ang buong mundo.
“Dito ako,” sabi niya, eyes closed pa. “Deal with it.”
“Grabe ka! Ang kapal mo!” I stepped back, napahawak sa bewang, hindi alam kung paano ko siya gagalitin nang hindi ko siya ginugulpi. “Fine! Pero hindi tayo magkatabi.”
Binuksan niya ang isang mata. “So anong plano mo?”
“Teka lang diyan.”
Dumeretso ako sa gilid ng kama, kinuha ang lahat ng unan—malalaki, malambot, kahit lampas na sa kalahati ng kama.
Isa-isa ko itong nilagay sa pagitan namin, parang Great Wall of China na pangharang sa isang demonyo.
Napataas kilay niya habang pinapanood ako. “Ano ’to? Barrier?”
“Yes,” sagot ko nang mataray. “Pader. Fort. Protection. Anti-Damon system.”
Tumawa siya nang mahina, yung tipong nakakainis na ang sarap sampalin pero nakakakilig rin. “Ang cute mo kapag defensive.”
“Tigil-tigilan mo ’ko.”
Nakatingin siya sa ginawa kong pader ng unan. “Alam mo, Amara… kahit sampung unan pa ilagay mo, maririnig ko pa rin ’yung lakas ng t***k ng puso mo kapag nasa tabi mo ako.”
“WEH?! Ang kapal mo talaga!”
“Hmm.” Pumikit siya ulit, nakangiti. “Good night.”
“Ngh—good night!” pero galit.
Humiga ako, nakatalikod sa kanya, nakayakap sa unan. Pero kahit may pader sa pagitan namin… ramdam ko pa rin ang presensya niya. Yung init. Yung tahimik na paghinga niya. Yung alam mong nandyan siya.
At mas nakakainis pa…
Kahit gano’n siya, hindi ko ma-deny na parang mas naging maliit ang kuwarto kapag malapit siya.