Amara POV Pagkatapos ng pagtatalo namin ni Damon, wala na kaming imikan. Tahimik kaming pumasok sa kanya-kanyang kuwarto, parang walang nangyari, pero ramdam ko ang bigat sa dibdib ko. Nakahiga ako sa kama, nakatitig sa kisame. Naalala ko kung gaano katahimik noon ang mundo ko, walang Marcellus, walang bantay, walang takot. Alam kong si Daddy ang may kasalanan kung bakit kami napunta sa ganitong sitwasyon, pero hindi ko na siya masisi. Tapos na. Nangyari na. Matagal ko nang kilala si Damon, noon pa man. Akala ko siya lang ang komplikado. Pero ngayon, parang lahat sa paligid ko, mga tao, mga desisyon, pati sarili kong damdamin, puro nakakainis. Bigla kong naisip si Ethan. Kamusta na kaya siya? Ilang buwan na rin kaming hindi nagkikita. Siguro totoo hindi talaga kami para sa isa’t isa.

