Chapter 34 Akala ni Lucyva ay hindi siya makakatakas sa mga nagbabantay sa mansion ngunit nang mapansin niya na natutulog ang guard sa ibaba ay dahan-dahan siyang sumubok na lumabas. Madilim-dilim na kaya’t inilibot niya ang kaniyang mga mata sa paligid dahil baka may mga guard siya na hindi mapansin. “Mauuna ako, Lucyva, sesenyasan kita kapag nakita ko na walang guard! Hindi naman nila ako nakikita, eh,” sabi ni Wann sa kaniya. Tumango siya at pagkatapos y lumipad na si Wann upang mauna ito. Dahan-dahan pa rin siyang naglalakad palabas at nang makita niya si Wann na kumaway sa kaniya ay sinundan niya ito. Sa likod sila ng bahay dumaan. Napansin ni Wann ang cctv kaya’y iniharang nito ang sarili doon at sinenyasan siyang muli na dumaan. Ganoon rin ang ginawa ni Wann nang malapit na s

