Chapter 35 “Binigyan ako ng kapangyarihan na iligtas ka ngunit isang beses ko lamang maaaring gamitin iyon. Isa akong gabay, wala akong kakayahan na iligtas ka sa kapahamakan, wala akong mahika na maaari ko magamit palagi pero pinagkalooban ako ng isang malakas na mahika na makakatulong sa ‘yo upang mapaslang mo ang mga itim na ispiritu.” “Hindi ko lang a-alam na mapapaaga pero mabuti na lang at dumating sila Tokio bago ko iyon magamit.” “Paano kung nagamit mo na iyon?” tanong niya. Ngumiti ng dahan-dahan si Wann sa kaniya, “Maglalaho na ako.” Siya naman ngayon ang natigilan nang marinig ang sinabi nito. Mawawala siya? H-hindi maaaring mangyari iyon. Hindi ko hahayaan. Siya na lang ang kasama ko dito madalas, siya ang nakakausap ko. “M-Mas lalong hindi mo maaaring gamitin ang kapa

