Chapter 43 “Let’s go.” Napalingon siyang bigla kay Haze nang magsalita ito. Binitbit na nito ang bag at naglakad. Nang hindi siya tumalima ay tumingin ito sa kaniya. “May gagawin ka pa ba na iba dito sa classroom?” tanong nito. Umiling siya, “Wala na, pero saan tayo pupunta?” “Sa library. Sinabi mo na magbabasa ka, tara na.” Naglakad na muli si Haze at siya ay nagulat sa sinabi nito. Hindi niya alam na nakikinig pala ito kanina at ngayon ay sasamahan siya sa library. “May sinabi ba sa ‘yo si Ferriol?” “Wala... naman.” Ayaw niyang sabihin dito ang napag-usapan nila ni Seev. Baka kung ano rin ang isipin ni Haze. Hindi naging maganda ang huling pag-uusap nila ni Seev lalo na ang sinabi niya. Hanggang ngayon ay nasa isipan pa rin niya ang reaksyon nito. Masyado lang ba akong nag-i

