Chapter 6
“Anak, may nararamdaman ka ba na hindi maganda? Sabihin mo lang sa amin, ha? At saka huwag ka nang tumakas kasi nagsasabi naman kami ng totoo, kami ang totoo mo na mga pamilya. Hwag kang mag-alala dahil hindi ka namin sasaktan.”
Nakatingin lamang si Lucy sa magandang babae na nasa kaniyang harapan. Ibig sabihin ay ito ang ina ni Emman at nasa katawan siya ni Emma. Nakakakilabot ang mga nangyayari. Paano siya napunta sa katawan na ito? paano siyang napunta sa modernong mundo na ito?
“A-Ano po ba ang nangyari?” tanong niya.
Nang muli siyang magsasalita ay napapikit siya sa sakit ng kaniyang ulo.
Akala niya ay patay na siya? Ano ang nangyari?
Nang makarinig si Lucy ng pagbukas ng pinto ay nagulat siya nang may isang magandang babae na may edad ang humarap sa kaniya, hinawakan nito ang kaniyang kamay at tinawag siyang ‘Gris’ nang umiling siya dahil hindi niya ito nakikilala ay mayroon pang isang tao ang humarap sa kaniya. Isang lalake na tinatawag siyang anak.
Akala niya ay patay na siya! Pero sino ang mga nilalang na ito na tinatawag siyang anak?
“We are so worried! I almost had a heart attack when a police called us and told us that you were stabbed multiple times and it is a miracle that you are still alive, Gris.” The woman said.
Hindi maintindihan ni Lucy ang sinasabi ng magandang babae ngunit nang muli niyang marinig na tinawag siya nitong Gris ay napailing siya.
Ano ang nangyayari?
Akala ni Lucy ay patay na siya. Nakita niya ang itim na ispiritu sa kaniyang harapan at tanda iyon na kukuhanin na nito ang kaniyang kaluluwa. Pero nananaginip ba siya ngayon? Ibang-iba ang kinaroroonan niya. Mayroong tumutunog na bagay sa kaniyang gilid, puti ang silid kung nasaan siya at malambot ang kaniyang kinahihigaan.
Ang kasuotan ng mga nilalang sa kaniyang harapan ay kakaiba.
“Mabuti na lamang at hindi napuruhan ang iyong magandang mukha anak, ito ang salamin, maaari mong tingnan.” Sabi ng magandang babae at itinapat sa kaniya ang isang salamin.
Nang makita ni Lucy ang mukha sa salamin ay napailing siya. Kaninong mukha ito? Hindi ito sa kaniya!
“Sino po kayo? Nasaan po ako?” tanong niya.
Hindi siya makapaniwala. Para siyang nananaginip. Nasa ibang katawan siya at nasa kakaibang mundo!
Ipinilig ni Lucy ang kaniyang ulo. Nasa ibang mundo siya at ilang beses man niyang isipin ng paulit-ulit kung ano ang maaaring dahilan kung bakit siya naroon ay wala siyang maisip. Ang huling nangyari sa Fhyros ay nang pagsasaksakin siya ni Sebero at nang makita niya ang itim na ispiritu. Akala niya ay kukuhanin na siya ng itim na ispiritu ngunit ano ang ginagawa niya rito sa ibang mundo? Ano ang tungkulin niya doon at nasaan si Emman?
“Don’t try to escape again, Emman Gricia, okay? We are your family, hindi ka namin sasaktan. Mabuti na lamang at may isang binata na nagmagandang loob na dalhin ka rito. Malaki ang pasasalamat namin dahil inihatid ka mismo dito sa ating bahay. Nagpapasalamat kami dahil walang nangyaring masama sa iyo.” Sabi ng isang lalake na sa tingin niya ay ang ama ni Gris.
Napailing siya... hindi... paano niya sasabihin sa mga ito na hindi siya ang Gris na tinutukoy ng mga ito at ang totoong pangalan niya ay Lucyva... at nakatira siya sa Fhyros na hindi matatagpuan sa mundo ng mga ito.
Tiyak na hindi siya paniniwalaan ng mga ito at baka sabihin pa na maaaring naiisip niya ang ganoon dahil na rin sa pagkakasaksak sa kaniya. Maaaring naapketuhan ang kaniyang isipan.
“Magpahinga ka na, ha? Kung may kailangan ka, ito ang cellphone. Tawagan mo lang ako. Mayroon na rin mga nurse at katulong na nagbabantay sa labas ng silid mo. Kung kailan mo sila ay tawagin mo lang sila.” Sabi ng ina ni Gris.
Tumango na lamang siya. Nais niyang mapag-isa upang makapag-isip ng mabuti. Nais niyang muling isipin ang kaniyang napanaginipan at ang mga huling kaganapan bago siya makarating sa mundong iyon.
Nang makalabas ang mga magulang ni Gris ay napatingin siya sa kaniyang palad. Naroon ang krus na itim at naalaala niya ang sinabi ng mga magulang ni Gris nang magising siya sa ospital.
“M-May itatanong po sana ako?” sabi niya.
Kaagad na lumapit ang kaniyang nagpakilalang ina, “A-Ano iyon, baby ko? Ano ang itatanong mo?”
Iniangat niya ng dahan-dahan ang kanang kamay at ipinakita ang palad dito.
“Narito na po ba ang balat na ito?” tanong niya.
Hindi naman iyon kalakihan ngunit makikita na korteng krus iyon.
“N-Ngayon ko lang iyan nakita. Dati naman ay wala iyan.” Sabi ng ginang.
Nang tumango siya ay itinago na niyang muli ang kanang kamay. Hindi niya maintindihan kung bakit narito siya sa mundong ito at nasa katawan ng ibang tao. Kung nasa katawan siya ng taong nagngangalang Gris, nasaan na ito ngayon? Hindi kaya ito ang nasa katawan niya ngayon at nagkapalit sila?
Hindi ko nais na ibang tao ang maghirap dahil nalipat sa katawan ko. Sana ay paggising ko kinabukasan ay nakabalik na ako sa aking katawan.
“A-Ano ba ang gusto mong kainin, Gris anak? Iyong sa favorite restaurant mo ba? Iyong steak? How about sa drinks?” tanong ng ginang.
“Hon, bawal pa sa kaniya ang mga ganoong pagkain, kapag gumaling na siya ay maaari na.” Sabi naman ng lalake sa na nakaupo sa sofa na may taban na libro.
Mukhang mababait ang mga ito, nakikita niya rin ang sobrang pag-aalala ng mga ito sa kaniya. Maswerte si Gris sa mga magulang. Iyon lamang ang kaniyang masasabi.
Ang naintindihan lamang ni Lucy sa tanong nito ay kung ano ang gusto niyang kainin.
“Hindi pa naman po ako nagugutom.” Sabi niya.
“But you were unconcious for how many weeks. I am so worried, anak.” Sabi nito.
Mababait ang mga magulang ni Gris at naaawa siya sa isipin na wala ang tunay na anak nila rito. Pero ano ang dahilan? Bakit naroon siya sa mundong iyon...
“Maaaring may kinalaman ang mga itim na ispiritu na nasa mundong ito... maaaring—
Nanlaki ang kaniyang mga mata nang maalala ang mga nakaitim na kasuotan. Ang mga nilalang na nakikipaglaban sa mga itim na ispiritu! Ang isa pa sa mga nakaitim na nilalang ay nakatinginan niya sa mga mata! At sigurado siya doon.
“Pero paano—
Nang makarinig si Lucy ng katok sa bintana ay napatingin siya doon. Napaawang ang mga labi niya nang makita ang lalake na nasa kaniyang isipan ngayon lamang! Ano ang ginagawa nito doon?! At paano nito nalaman kung saan siya nakatira?
“A-Anong...”
“Huwag kang matakot, wala akong masamang intensyon sa ‘yo.” Sabi nito at dahan-dahan na binuksan ang bintana niya at pumasok ito doon.
Nakasuot ng balabal ang lalake. Nang makalapit ito sa kaniya ay tinanggal nito ang itim na balabal at naupo sa upuan sa tabi ng kaniyang kama. Hindi ni Lucy maipaliwanag kung bakit ganoon na lang ang kaba na nararamdaman niya kahit na sinabi ng lalake na wala itong ibang intensyon sa kaniya.
Na walang itong gagawin na hindi maganda.
“Nais ko lang malaman kung... kung paano mo nagagawang makakilos sa loob texu piling mga nilalang lamang ang nakakagawa non at kanina, alam ko na nakita mo ako na nakatingin sa ‘yo.” Sabi ng lalake.
Umiling naman siya. Sinusubukan na baka makakalusot pa siya.
“Huwag na tayong maglokohan dito. Ako rin ang naghatid sa iyo sa bahay na ito nang bigla kang mawalan ng malay sa kalsada. Ako ang tumawag sa mga magulang mo upang ipaalam ang kalagayan mo. Sabihin mo sa akin, sino ka?” tanong ng lalake sa kaniya.
Hindi naman tunog nagbabanta ang boses nito ngunit kinakabahan siya. Pakiramdam niya ay malapit na siyang mamatay dahil sa mga nangyayari.
Pero... hindi ba at dapat patay na ako?
“At... may isa pa akong gustong itanong sa iyo.” Sabi ng lalake.
“Nakikita mo ba ang mga itim na ispiritu? Nakita mo ba ang pakikipaglaban namin sa mga katulad nila kanina?” tanong ng lalake.
Paano niya aaminin rito ang lahat ng nakita niya? Na tama ang lahat ng sinabi nito. Paano kung bigla na lang gumawa ito ng hindi maganda? Dapat hindi siya basta-basta nagtitiwala!
Nang mas lumapit ang lalake sa kaniya ay napausog siya palayo sa kama.
“H-Hindi... ano ba ang sinasabi mo—
Nagulat si Lucy nang hawakan nito ang kaniyang kamay.
“H-Huwag.” Sabi niya at nagulat na lang siya nang biglang bitawan ng lalake ang kaniyang kamay na parang napaso ito.
“Anong...” sabi ng lalake habang hindi makapaniwalang nakatingin sa kaniya.
“That cross in your palm... saan nanggaling iyan?” tanong nito sa kaniya.
Itinago ni Lucy ang kaniyang palad at pagkatapos ay tumingin sa lalake. Nang maalala niya na may nagbabantay sa labas ng kaniyang silid ay kaagad siyang sumigaw.
“T-Tulong!”
Ngunit nang ngumiti ang lalake sa kaniya ay nakaramdam siya ng takot.
“texu.”
Nakagat ni Lucy ang kaniyang pang ibabang labi nang biglang lumabas ang kakaibang liwanag. Tumayo ang lalake sa harapan niya at yumuko ito. Ilang pulgada na lamang ang layo ng mukha nito sa kaniyang mukha.
“The guards outside won’t be able to move. The time stopped and it’s just the two of us who can move and talk like this. Now, tell me. Sino ka at ano ang dahilan, bakit ka nakakakita ng mga itim na ispiritu at paano ka nakakakilos sa loob ng texu?”
Paano niya ba ipapaliwanag sa lalakeng ito!