Chapter 7

1207 Words
Chapter 7   Hindi siya makapagsalita, nakatingin lamang siya sa lalake sa kaniyang harapan. Takot ang nararamdaman niya ngayon. Maski siya ay hindi niya alam kung bakit naroon siya sa mundong iyon pagkatapos ng pagkamatay niya. “Hindi ka ba magsasalita?” tanong sa  kaniya ng lalake. “H-Hindi ko alam, hindi ko alam kung ano ang nangyayari,” sagot niya. Nang may lumitaw ng itim na kaluluwa sa kaniyang harapan ay alam na niya na katapusan na niya. Ngunit ano itong nangyari sa kaniya? napunta siya sa ibang mundo at ngayon nabubuhay siya bilang si Emmanuele Gricia. Nang mawala ang mahika sa paligid ay napaupo siya sa takot. “Babalikan kita,” sabi ng lalake at bigla na lang itong nawala. Napahinga siya ng malalim nang umalis na ito. Muntik na siyang mawalan ng malay dahil sa takot. Ano ba ang kailangan nito sa kaniya? at bakit ang mga itim na kaluluwa sa mundo kung nasaan siya ay kumakain ng mga tao? Kung totoong namatay siya ay bakit napunta siya sa ibang mundo? “Anak?” Napalingon siya sa pinto ng kaniyang silid. Narinig niya ang boses ng ina ni Emmanuel.  May dala itong tray at nang makita niya ang nasa ibabaw non ay  napahawak siya sa kaniyang sikmura. Bigla kasi siyang nakaramdam ng gutom. “Dinalhan kita ng pagkain, naisip ko kasi na baka nagugutom ka, kamusta na ang pakiramdam mo?” tanong ng ginang sa kaniya. Mabait ito at maamo ang mukha. Ang boses ay napakalambing. Maswerte si Emmanuel dahil mayroon siyang ganito kabait na magulang. Walang kasingsarap sa pakiramdam ang pagmamahal ng mga magulang. “S-Salamat po,” sabi niya. Inilapag nito sa lamesa na nasa loob ng silid ang tray at siya naman ay lumapit dito. Nang kumuha siya ng pagkain at tikman iyon ay napatingin siya sa ginang. “Masarap po,” sabi niya at ipinagpatuloy ang pagkain. Kakaiba ang lasa ngunit masarap. Walang ganoong klase ng mga pagkain sa kanilang mundo at bago ang mga ito sa kaniyang paningin. “Talaga? Ako ang nagluto niyan! Ako mismo ang nagluluto ng mga pagkain natin dito. Gusto ko kasi na kahit iyon manlang ay magawa ko para sa inyo. Saka isa pa, gustong-gusto mo ang mga lutong bahay ko,” sabi nito. Hindi naman na siya si Emmanuel, pero sa natikman niya ay hindi malayong hindi niya hanapin ang ganoong lasa. Kahit sino na makatikim ng luto nito ay tiyak ganoon ang mararamdaman at sasabihin katulad niya. “Oo nga pala, anak, sabado ngayon, kung kaya mo na na pumasok sa lunes ay ipapaalam natin sa paaralan upang makapaghanda sila sa seguridad.” Umangat ang kaniyang paningin nang marinig ang sinabi ng kaniyang ina. Oo nga pala at hindi pa nahahanap ang salarin sa pagpaslang kay Emmanuele. Wala pang balita rin sa mga pulis na nag-imbestiga. Ang lugar kasi na pinangyarihan ay walang CCTV at wala ring mga taong nagdaan noong mangyari ang pagpaslang. Kawawa naman si Emmanuele. Kawawa siya dahil nawala siya sa mundong ito dahil sa karumaldumal na krimen. Pero hindi nagkakalayo ang dahilan ng pagkakapaslang sa kanila. Siya rin ay sinaksak, ito rin ay sinaksak. Maaaring iyon ang dahilan kung bakit naroon siya sa mundong ito. Ngunit ang nasa isip niya ay si Emmanuele. Kung napunta ba ito sa kanilang mundo at nagkapalit sila ng katawan. “Maayos naman po ang lagay ko, kaya nga lang ay ang pagsasalita ninyo ng ibang lenggwahe ay hindi ko pa masyadong maintindihan,  maaaring maging sagabal iyon sa aking pagpasok sa paaralan,” sabi niya. Hindi rin siya maaaring manatili na lamang sa malaking bahay na iyon. Kailangan niyang alamin kung ano ang nangyari sa kaniya, ano ang tunay na pakay ng mga itim na ispiritu at kung sino ang mga nilalang na iyon na nakasuot ng itim at gumagamit ng mahika. Magaling ang mga ito dahil kaya ng mga ito na patigilin ang oras. At ginagamit ng mga nilalang na iyon ang pagtigil ng oras sa pagpaslang ng mga itim na isipritu. Marami-rami na siyang nalaman at isa pa... Napatingin siya sa krus sa kaniyang palad. May kung ano sa krus na iyon ngayon at alam niya na magagamit niya iyon upang magkaroon ng kaalaman sa nangyayari sa mundo kung nasaan siya. “Iyan nga ang itinanong ko sa doktor mo, ngunit ang sinabi niya ay nagkaroon ka ng selective amnesia. Hindi bale, anak, may mga libro ka naman dito,” sabi ng ginang at tumayo ito. Pumunta ito sa gilid at binuksan nito ang isang cabinet. Namangha siya nang makita na punong-puno ng mga libro ang cabinet na iyon. “Binili ko sa iyo ang mga ito, maraming klase ng mga libro na maaari mong basahin kapag naiinip ka. May dictionary rin dito,” sabi nito. Kinuha ng ginang ang dictionary at naglakad ito pabalik sa kaniya. Iniabot nito sa kaniya iyon. “Ito, medyo makapal, pero makakatulong sa iyo.” Nang buklatin niya iyon at tingnan ang mga nakasulat ay nagulat siya dahil kaya niya iyong basahin. Ang bawat salita na naroon ay kaagad na pumapasok sa kaniyang isipan. A-Ang galing... “Alam mo, anak? Nag-iisa ka sa buhay namin, ikaw ang kaligayahan namin ng papa mo, kaya nang malaman namin ang nangyari sa iyo ay talagang halos gumuho ang mundo namin. Sa dami ng saksak sa katawan mo ay himala ang nangyari sa iyo, itong ikalawang buhay mo talagang mag-iingat na kami ng sobra ng papa mo,” sabi ng ginang. Nakaramdam na naman siya ng lungkot, ang totoong Emmnuele ay wala na doon. Pero ngayon, kailangan na niyang mabuhay bilang ito. Kailangan niyang tanggapin ang kapalaran niya at upang malaman kung ano ang nangyayari sa mundong iyon at bakit kumakain ng mga tao ang mga itim na ispiritu, kailangan niyang mabuhay bilang si Emmanuele Gricia. “Magkakaroon ka na ng mga bodyguards, ha? At saka hindi ka na maaaring pumunta sa ibang mga lugar hangga’t hindi nahuhuli ang may gawa non sa ‘yo. Pasensiya ka na anak, natatakot pa rin kami ng papa mo, hindi maalis sa isipan namin ang pangyayaring iyon.” Tunay na kay buti ng mga magulang ni Emmanuele. “Ayos lang po, naiintindihan ko, para naman po iyon sa kaligtasan ko. Wala po akong dapat na ikareklamo sa inyo na mga magulang ko. Wala naman pong magulang ang hahayaan na lang ang kanilang anak kahit na alam nilang may panganib sa buhay nito,” sagot niya. Lumapit sa kaniya ang ginang at hinimas nito ang ibabaw ng ulo niya. Hinalikan siya nito sa gilid ng ulo at nagpasalamat. “Lalabas na ako, ha? Kung may kailangan ka ay pindutin mo ang buton na iyon sa gilid na kama mo,” sabi ng ginang at itinuro nito ang buton. Napatingin naman siya doon. Malaki ang bahay nila, maraming mga gamit ang kakaiba, siguro ay kung sa aming lugar kahanay nila ang mga hari at reyna. “Sige po, maraming salamat po ulit sa inyo,” sabi niya. Nang makalabas ang ginang ay binuksan niya muli ang dictionary na hawak. Tumayo siya at tinungo ang cabinet na naglalaman ng mga libro, ibinaba niya ang dictionary at kumuha pa ng isang libro. Isang fantasy story. Bumalik siya sa kama at itinuon na muna ang atensyon sa pagbabasa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD