Chapter 22 “Lucyva,” sabi ni Haze. Napalunok siya nang banggitin nito ang kaniyang pangalan. “I am a black spirit executioner, I can fight and kills those black spirits. Wala kang dapat na ipag-alala sa akin dahil kaya ko na ipagtanggol ang sarili ko. And to answer your question, I don’t know if this fire will fade. Walang nakakaalam kung kailan mawawala ang mga apoy o kung pang habambuhay na ito.” “N-Naisip ko lang... b-baka may kakayahan ako na a-alisin ang apoy at mailigtas ang buhay mo laban sa mga itim na ispiritu. H-Hindi sila mahihina, Haze, n-nakita ko kung gaano sila kalakas,” sabi niya. Muling hinawakan ni Haze ang ibabaw ng kaniyang ulo. “Let’s talk tomorrow. Pagod ka na, bukas maaga akong pupunta dito. May ipapakita ako sa ‘yo.” Iyon ang huling sinabi ni Haze sa kaniya a

