Chapter 23 Nang makarinig ng mga katok si Lucyva ay biglang pumasok sa kaniya si Wann. Ilang segundo pa ay bumukas ang pinto at pumasok doon ang ina ni Emmanuele na si Ellaine. May dala-dala itong isang baso ng gatas. “Kamusta ang pakiramdam mo, anak? Napansin ko kasi kanina na parang ang lalim ng iniisip mo bago ka umalis at umakyta dito sa kwarto mo,” sabi nito sa kaniya. Tumayo siya at kinuha dito ang isang baso ng gatas na dala nito. Naupo si Ellaine sa sofa na naroon sa kaniyang silid at pagkatapos ay sa tapat nito naman siya naupo. Tinitigan niya ang isang baso ng gatas na ginawa nito para sa kaniya. Mahal na mahal nila si Emmanuele. Napakapalad ni Emmanuele na nagkaroon siya ng mga mapagmahal at maarugang mga magulang. Puno ng pagmamahal ang nakikita ko sa mga mata ni Ellaine p

