Chapter 24 “Kamukha niya si Melesiya.” Siya ang pangalawa sa nagsabi... “Oo, hinahanap nga namin ang nilalang na iyon dahil delikado kapag naunahan kami ng mga itim na ispiritu. Alam ko rin na kapangyarihan ni Melesiya ang kailangan ngunit hindi ko alam na manggagaling pa ito sa mundo mismo natin. Hindi ko alam na mapupunta ang kaluluwa nito sa isang tao na narito sa teiko city,” sabi ni Tokio. “Wala naman nakakaalam kung kanino mapupunta ang kapangyarihan ni Melesiya noon, Tokio, kahit sino ay hindi alam dahil lahat tayo sa paaralan ay sigurado na kaya ni Melesiya na mapaslang ang hari ng mga demonyo. Ngunit minaliit natin ang kakayahan ng demonyo na iyon.” Nang wala nang magsalita sa dalawa ay tumingin siya kay Haze. “Bakit... hindi siya lumabas noong unang nag-usap tayo?” tanong n

