Chapter 25 “Sino ka? Ano ang ginagawa mo sa harap ng bahay ko?” Nakatingin si Lucyva sa isang lalake. Marumi ang kausotan nito at gulo-gulo ang mahabang buhok. Kinuha niya ang walis sa gilid upang gawing panangga sakaling may gawin na hindi maganda ang lalake sa kaniyang harapan. “Magsalita ka! Sino ka at ano ang ginagawa mo dito sa bahay ko?” Nang humakbang palapit sa kaniya ang lalake ay napaatras siya. Malayo sa mga kabahayan sa nayon ng fhyroz ang kaniyang tahanan at walang naglalakas loob na pumunta doon dahil ang bahaging lugar kung nasaan ang bahay niya ay pinaniniwalaan na maraming gumagalang mga ispiritu. “P-Pagkain... m-maawa ka, k-kailangan ko ng pagkain,” sabi ng lalake. Tumumba ito bago pa muling makahakbang. Sa gulat ni Lucyva ay nabitawan niya ang walis na hawak at

