Chapter 41 “You stink, Emman, palit ka muna ng damit sa locker room. For sure may spare clothes ka naman don,” sabi ni Gwen sa kaniya. Napabuntong hininga siya. Mabuti na lamang at may ilang oras pa bago ang susunod na klase nila. “Ang laki talaga ng galit sa ‘yo ng Reta na ‘yon, Emman. Hanggang ngayon kasi hindi niya matanggap na nakipaghiwalay ang boyfriend niya sa kaniya dahil sa ‘yo. Isa pa, dahil din sa tulong na ibinigay mo doon sa isang kaklase natin. Actually, you even help our classmate pa nga,” sabi ni Venice. Tumango naman si Ellise, “Venice si right. Ewan ko lang, sa pagkaprangka mo at sa intensyon mo na pagtulong sa iba namamasama ka nila. Nami-mis-interpret ka nila.” Nang makarating sila sa locker room ay nakalock ang locker ni Emman. Wala naman siyang susi non. “Paan

