11: WHERE ARE YOU BLAKE? Pinagpatuloy nila ang pagtawag sa pangalan ni Blake pero wala pa ding sumasagot o lumalabas mula sa bahay. “Baka wala dyan si Blake,” sabi ni Cooper habang papasok na ng kanyang kotse. Papaalis na sana silang tatlo ng biglang bumukas ang gate. Napansin ito ni Katarina. “Sandali,” sabi ng dalaga habang sumisilip sa loob ng bahay. “Bumukas ang gate, baka pinapapasok na talaga tayo,” pagpapatuloy nya. Isinara ni Cooper ang kanyang kotse at sabay-sabay silang pumasok sa loob ng bahay. Habang naglalakad sila papalapit sa pintuan ay may nakita si Katarinang isang matandang babae na nakatayo sa may bintana sa loob ng bahay at nakatingin ito sa kanila. “Magandang araw po.

