10: 666 Mabilis binuksan ni Peterson ang pintuan ng kotse upang paalisin ang babaeng nakita. Ngunit biglang nawala ang babaeng nakita nya. Tumingin sya sa paligid ng kotse upang hanapin ang babae pero hindi nya ito mahanap. Pumasok na ulit sya sa kotse at ipinagpatuloy ang pagmamaneho. Pinagpapawisan sya kaya’t nilakasan nya ang aircon. Hindi sya mapakali, pakiramdam nya ay may nakatingin sa kanya. “Relax ka lang Peterson. Don’t be too paranoid!” sabi nya sa kanyang sarili. Nagpatugtog na lang sya ng mga rock songs para mawala ang takot na nararamdaman. Sa kalagitnaan ng pagpapatugtog nya ay biglang naging garalgal ang mga kanta. “Tsk! May sira na ata ‘tong stereo ko! Lahat na lang ba may sira?!!” bulong nya

