9: IS IT A SIGN OR NOT? Biglang nagising at napabangon si Katarina mula sa kanyang higaan. “Blake!” sigaw nito na mukhang binabangungot. “Panaginip lang pala.” Bumaba sya sa higaan at nagdiretso sa restroom. Tiningnan nya ang sarili sa salamin. Magulo ang kanyang buhok. Nakasuot lamang sya ng maigsing short at malaking tshirt. Naghihilamos ito ng biglang tumunog ang kanyang cellphone. Nagpunas ito ng mukha sa kanyang towel na nakasabit sa pintuan ng restroom. Kinuha nya agad ang cellphone na nakapatong sa table at nakita nyang si Cooper ang tumatawag. Sinagot naman nya agad ang cellphone. “Oh bakit?” masungit na tanong ni Katarina habang binubuksan ang kanyang closet at pumipili ng isusuot na damit. “Pwe

