8: NOWHERE TO GO!

1951 Words
8: NOWHERE TO GO!       Naghiwalay ng daan ang dalawang kotse na minamaneho nila Peterson at Cooper. Dinala nila ang mga bangkay sa kani-kaniyang morge. Nalaman na din naman ng mga magulang ng mga namatay ang nangyari sa kanilang mga anak at sobrang dalamhati ang kanilang nararamdaman.               Ilang araw lang naiburol ang katawan ng mga ito sa kani-kaniyang chapel at hindi na din pinabuksan ang mga kabaong dahil sa bali-bali nga ang mga buto nito.               Nagkataon din na ang araw ng libing ng mga namatay ay iisang petsa lang kahit sa iba-ibang cemetery sila ililibing. Ang katawan nila Cole at Madeline ay Escogi Garden ililibing, samantala, si Lindsey naman ay sa Paradise.               Miyerkules ng umaga sa Escogi Garden habang nagmimisa, kumukuha ng litrato si Phoemela. Kinukuhanan nya ang iba’t-ibang anggulo, ang mga tao, ang nagmimisa, ang paglilibingan at mismong ang nakasaradong kabaong ni Madeline. Sa hindi kalayuan naman ay nagaganap din ang misa para naman kay Cole. Sumaglit dun si Phoemela upang kumuha rin ng ilang larawan. Habang naglilibot sya at kumukuha ng litrato, napansin nyang may isang babaeng nakaputi ang nakatayo sa may likuran ni Quinn. Inalis nya ang pagkakatingin sa kanyang camera at wala naman doon ang babae.               Hindi na lang inintindi ni Phoemela ang nakita dahil inisip nyang isa lamang iyon sa mga kamag-anak nila. Pagkakuha ng litrato ay bumalik na ulit ito sa misa para kay Madeline. Tumabi ito sa kaibigang si Katarina na hindi mapigilan ang pag-iyak.               Ilang sandali lang ay natapos na ang misa at inilibing na ang mga katawan nila Madeline at Cole.               “Salamat Madz sa memories. Sorry sa lahat ng nagawa ko sa’yo.” Umiiyak na sabi ni Katarina habang tinatabunan ng lupa ang kabaong ng kaibigan. Habang nagpupunas sya ng mga luha, napatingin sya sa isang puno malapit sa kanilang kinatatayuan.               May nakita syang isang babae na nakaputi at nakatayo sa tabihan ng puno. Hindi naman nya maaninag ang mukha nito dahil may kalayuan din naman.               “Katz, lets go.” Inalalayan naman ni Phoemela ang kaibigan. Habang naglalakad ay nakasalubong nila si Quinn kasama ang tiyahin nito.               Nilapitan nila si Quinn at niyakap ito. “Quinn, magpakatatag ka. Kung kailangan mo kami, nandito lang kami. Dadalawin ka namin palagi.” Sabi ni Katarina na sobrang emosyonal.               Hindi umiiyak si Quinn at kalmado lang ito. “Wag kang mag-alala Katarina, ayos lang ako. Alam kong nandito lang si Cole. Palagi nya akong dinadalaw, hindi nya ako iiwanan.” Nakangiting sabi ng dalaga.               Nagkatinginan naman sina Phoemela at Katarina sa narinig mula kay Quinn. Maya-maya ay tumunog ang cellphone ni Katarina.             “Si Cooper.” Sabi nito at sinagot nya ang kanyang cellphone. Nakaloud speaker ito para marinig nilang lahat. “Hello, Cooper kamusta si Blake?” bungad nito.               “Tulala pa din at sobrang emosyonal. Gusto na nga nyang sumama kay Lindsey, mabuti nahawakan ni Peterson. Si Quinn kamusta?” tanong ni Cooper.               “Ayos lang ako Cooper, hindi naman ako nalulungkot masyado,” sagot ni Quinn.               “Sige, nangangamusta lang ako. Mag-iingat kayo palagi. Kung may kailangan kayo, don’t hesitate to call. Okay?” pagpapatuloy ni Cooper.               “Okay. Sige na, mga pagod pa tayong lahat at kailangan pa nating magpahinga. Bye.” At ibinaba na ni Katarina ang cellphone. “Uwi na kami Quinn. Mag-iingat ka palagi.” At muli itong yumakap sa dalaga.               Habang nagpapaalamanan sina Katarina at Quinn ay tinitingnan nya ang mga pictures na nakuhanan nya. “Quinn, sino yung katabi mo kaninang babae?” tanong nito.               “Si auntie at yung anak nya,” sagot ni Quinn habang kinakapa ang kanyang auntie.               “Ka-age mo yung anak nya?” pagpapatuloy ni Phoemela habang nakatingin pa din sa picture na nakuhanan nya.               “No. She’s 32 at may mga anak na din sya. Di ba auntie?” Kumapit ito sa kamay ng kanyang tiyahin.               “May problema ba Phoemela?” paguusisa ni Katarina na tumingin din sa picture na tinitingnan ng kaibigan.               Nagulat si Katarina sa nakita. “Sya din yung babaeng nakita ko sa may puno kanina.”               “Hayaan nyo na. Baka taga dito yan sa Escogi Garden.” Sagot ng tiyahin ni Quinn. “Mauna na kami at magpapacheck up pa ‘tong si Quinn.               “Check up for what? May sakit ka ba?” pag-aalalang tanong ni Katarina.               Ngumiti naman si Quinn dahil ramdam nya ang pag-aalala ng mga kaibigan. “Titingnan lang kung may pag-asa pa akong makakita. At kung may chance pa, maghahanap sila ng donor ko.”               Ngumiti naman sina Katarina at Phoemela sa narinig mula kay Quinn. “That’s good to hear. Sana nga makakita ka na as soon as possible.” Sabi ni Phoemela.               “We’ll call you na lang Quinn. Balitaan mo na lang kami about  sa check up mo. Okay?” sabi ni Katarina na unang yumakap at nagbeso sa kausap. Sumunod na din naman si Phoemela.               Sumakay si Phoemela sa kotse ni Katarina na tinitingnan pa din ang mga pictures.               “Phoem, masyado mo ng tinititigan yang mga pictures na yan.’’ Sabi ni Katarina habang pinapaandar ang kotse.               “No way!” napatakip si Phoemela ng bibig sa pagpipigil ng kanyang sigaw na halos mabitawan ang DSLR nya.               Sa gulat naman ni Katarina ay agad itong napapreno. “What’s wrong?” tanong ni Katarina.               Iniabot naman ni Phoemela ang DSLR nya sa kaibigan. “Tingnan mo.”               Kinuha ni Katarina ang cam at tiningnan ang mga pictures. Napansin nya ang isang babae na papalapit ng papalapit ang kuha. Ang una ay nasa malayo ito sa mga unang kuha ng kaibigan hanggang sa maging katabi na ng mga taong nakikipaglibing sa namatay. May isang kuha pa dito na nakatingin mismo sa camera ang babae.               Mabilis namang ibinalik ni Katarina ang cam sa kaibigan. “May problema na yang cam mo. Maybe it’s the reflection of light or what. Pero wala yan. Nagkataon lang yan. Wag tayong paranoid.” Muli ay pinaandar na ni Katarina ang kotse. “Wala na tayo sa bahay and we’re safe.”               “What if nagsisimula pa lang ang lahat? Maybe we need to figure out something.” Nauutal na sabi ni Phoemela.               “Figure out what?” sigaw ni Katarina na halatang natatakot na din.               “I don’t know. I have no idea. Katz, natatakot ako. Ayokong mamatay, ayokong mamatay sa ganung paraan.” Naluluha na si Phoemela sa takot.               “Phoemela, wala kang dapat ikatakot. May kung ano lang sa bahay na yun kaya nangyari ‘tong lahat. Paranoid ka lang. Ihahatid na kita sa inyo.” Sinubukan nyang kumbinsihin ang kaibigan upang mawala ang pagkatakot nito.               Ang lahat ay nakauwi ng maayos sa kani-kanilang mga bahay para makapagpahinga. Ang binatang si Blake ay hindi pa din matanggap ang pagkawala ng kanyang girlfriend. Inabot na sya ng gabi kakapilit matulog pero hindi sya makatulog kaya’t pinatay nya ang lahat ng ilaw sa kanyang kwarto at nahiga ito.               “Babe, I miss you so much.” Umiiyak nitong sabi. Ilang sandali lang ay nakaramdam ng pagkaantok si Blake, tahimik na ang paligid at tanging ang aircon na lamang ang ingay na kanyang naririnig. Alam nya sa sarili nya na hindi pa sya nakakatulog dahil ang diwa nya ay gising pa.               Nakapikit lang si Blake. Ilang sandali pa ay nakarinig sya ng ingay na galing sa labas. Isang ingay na parang mga nagiinom at nagsisigawan na lasing. Alam nyang imposibleng mangyari ang bagay na iyon sa kanilang subdivision. Kinapa nya ang kanyang cellphone para ilawan ang paligid pero wala namang kakaiba dun kayat ipanatong na lang nya ang cellphone sa kanyang tabihan at tiningnan ang picture ng girlfriend. Sandali pa ay napapikit muli si Blake at nakarinig ulit sya ng ingay ng mga tao. Parang isang magulong lugar na ang lahat ay nagsisigawan at nagiinom.               “Hoy Berting, wala ka ba talagang balak tumayo dyan? Wala ka na ngang maipalamon sa pamilya mo nakuha mo pang maginom!” sigaw ng isang babae na hindi pamilyar ang boses sa kanya.             Dumilat si Blake at napatingin sya sa kanyang bintana. Laking gulat ni Blake ng makita na ang bintanang tinitingnan nya ay hindi ang bintana ng kanyang kwarto. Isang binatanang kahoy ang kanyang nakikita at medyo maliwanag sa labas. Mabilis na kinapa ni Blake ang kanyang cellphone ng maramdaman nyang may humawak sa kanyang kanang kamay. Hindi nya ito maigalaw na parang may pumipigil. Wala ding lumalabas na salita sa kanyang bibig. Kinapa nya ang cellphone gamit ang kaliwang kamay kung saan nya ito ipinatong ngunit wala ito doon.               Muling tumingin si Blake sa bintana pero hindi pa din ito nagbabago.               “Anong nangyayari?” tanong nito sa kanyang isip habang pinipilit ikilos ang buong katawan. Parang may kung anong nakadagan sa kanya at nakahawak sa kanyang kamay na hindi nya alam kung ano dahil madilim sa kanyang kwarto. Ang pakiramdam nya ay napunta sya sa ibang bahay. Alam nya din sa sarili nya na hindi sya nananaginip dahil ramdam na ramdam nya ang higpit ng hawak sa kanyang kamay at ang bigat ng nakadagan sa kanya.               Habang nakatingin sya sa bintana, may nakikita syang anino ng isang papalapit na tao. May isang babae ang dahan-dahang sumisilip sa bintanang kanyang tinitingnan. Babaeng nakayuko at natatakluban ng buhok ang kanyang mukha.               Biglang nakaramdam ng pagkatakot si Blake at hindi maipaliwanag ang kanyang nararamdaman.               Magtago ka na. Magtago ka na. Magtago ka na, dahil kung hindi, susunod ka sa kanya.               Nakakarinig sya ng isang babaeng kinakanta ang mga salitang ito habang ang babae sa bintana ay papalapit ng papalapit sa kanya na tila tatagos ito sa mga pader ng kanyang kwarto.               “Imposible!” muling nasabi nya sa kanyang isip. Naalala ni Blake na nasa 2nd floor ang kanyang kwarto kaya’t imposibleng makapaglakad ang kahit na sino sa labas ng kanyang bintana.               Papasok na ako. Papalapit sa’yo. Bumilang ka ng tatlo at nandyan na ako.               Muli nyang narinig ang kumakantang babae na nakakakilabot ang boses. Unti-unting inaangat ng babae ang kanyang mukha habang papalapit sa harapan ng bintana.               Sa sobrang takot ay napapikit si Blake. “Babe, please help me. Wag mong hayaang saktan nya ‘ko.” Nawala ang boses ng babaeng kanyang narinig kaya’t minabuti nyang dumilat. Nawala na din ang ingay ng mga tao mula sa labas. Nakagalaw na din sya ng ayos kaya’t mabilis nyang kinapa ang kanyang cellphone. Nakapa nya ito sa ilalim ng kanyang unan na malapit sa pader ng kanyang kwarto. Mabilis nya itong tiningnan. Nakita nyang may text message gamit ang cellphone number ni Lindsey.               From: Lindsey-baby Babe, mag-iingat ka sa kanya.                         Hindi nya maintindihan kung sinong nagtext sa kanya gamit ang number ng girlfriend. Sa sobrang kaba ay inilawan nya ang paligid ng kwarto para makasigurong syang wala sya sa ibang kwarto.               Tumawa lang sya ng makita ang sariling kwarto. “I’m still here.” Bulong nya sa sarili.               “Ako din.” May sumagot na babae.               Natigilan naman si Blake sa narinig. Dahan-dahan syang tumingin sa kanyang likuran at inilawan nya ito gamit ang kanyang cellphone pero wala syang nakita.               Nakahinga sya ng maayos at muling napangiti. “Paranoid na ako.”               Muli nyang pinailaw ang cellphone at laking gulat nya ng makita nya ang babae sa kanyang harapan na nakalutang at nakatingin sa kanya.               “Wala ako dyan.” Sabi ng babae habang mabilis na papalapit sa kanya.               “Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!” malakas na sigaw ni Blake habang papalapit ang babae at sakal-sakal ito. Nabitawan nya ang kanyang cellphone at nalaglag naman ito sa sahig habang may tumatawag.               Lindsey-baby Calling….  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD