7: ESCAPE!
Nagulat ang lahat sa malakas na tunog na yun kaya’t mabilis silang naglabasan sa kwarto.
“Phoemela, alalayan mo si Quinn.” Utos ni Katarina na agad namang dumiretso sa kanilang kwarto para tingnan si Lindsey.
Ang mga lalaki naman ay mabilis lumabas ng bahay para tingnan kung anong nahulog sa pool. Sumunod din naman agad si Katarina sa labas para sabihin na wala si Lindsey sa kanilang kwarto. Malayo pa lang sya ay naririnig na nya si Blake na sumisigaw kaya’t mabilis syang nanakbo papalapit dito.
“No!” tumalon si Blake sa pool. “Lindsey! Lindsey!” binuhat nya ang duguang katawan ni Lindsey papalapit sa may hagdanan. Dilat ang mga mata nito at may mga basag-basag na salamin pang nakatusok sa kanyang likuran. Labas din ang ilan nyang ribs dahil sa pagbagsak nya.
“Baby, baby wake up. Hindi mo ko pwedeng iwan.” Paulit-ulit na sinasabi ni Blake ang mga salitang ito habang pinipilit gisingin ang kanyang girlfriend.
Papalapit na si Katarina ng hinarang sya ni Cooper. “Anong nangyari kay Lindsey? Padaanin mo ‘ko!” Nagpumilit syang dumaan para makita si Lindsey.
Nakita nya si Blake na nakatalikod. Dahan-dahan syang lumapit dito at nagulat sa nakita. Napatakip sya ng kanyang bibig para mapigilan ang pagsigaw. Napatalikod naman sya agad at napayakap kay Cooper. Hindi nya napigilang umiyak.
“Lindsey no! Cooper! Katarina! Dalhin natin si baby sa hospital! Please!” umiiyak na sigaw ni Blake.
Mas lalo namang napaiyak si Katarina sa narinig kaya’t medyo lumayo sya sa pwestong yun.
Binuhat ni Blake ang girlfriend papuntang parking area para isakay sa kotse ang bangkay ni Lindsey. Hinaharang sya ni Peterson. “Pare, pare patay na si Lindsey. Hindi na din sya mabubuhay kahit dalhin pa natin sya sa ospital.”
“Buhay pa si Lindsey. Mabubuhay pa sya kung aabot tayo sa hospital.” Tulalang sabi ni Blake at nagpatuloy pa din sya sa paglakad.
“Pare patay na si Lindsey!” sigaw ni Peterson.
Hindi nagustuhan ni Blake yung narinig kaya ibinaba nya saglit si Lindsey at nilapitan nya si Peterson. “Anong sabi mo?”
“She’s dead! Hindi mo na sya mabubuhay!” sabi ni Peterson na naiiyak na din dahil naawa sya kay Blake.
Hindi nagustuhan ni Blake ang sinabi ni Peterson kaya sinuntok nya ‘to. Nagsuntukan sila hanggang pareho silang nalaglag sa pool.
“What’s going on here?” sigaw ni Phoemela. Papalapit sila ni Quinn. Nakita nya ang katawan ni Lindsey at nagulat sya.
“Lindsey.” Hindi na din nya napigilang umiyak. Naawa sya sa itsura ni Lindsey na halos hindi na makilala dahil sa mga bubog na nakatusok sa kanya at nababalutan na ng dugo.
“Anong nangyari, Phoem?” tanong ni Quinn.
“Si Lindsey! Wala na si Lindsey!” napayakap sya kay Quinn. Pareho silang napaiyak. Habang nakayakap si Phoemela kay Quinn ay napatingin sya sa itaas kung saan nalalaglag si Lindsey. Nakita nyang basag ang salamin at may babaeng nakatayo at nakatingin sa kanila.
Yun din ang babaeng nakita nya sa camera nya sa may pool. Laking takot ni Phoemela ng biglang kumaway ang babae sa kanya. Napabitaw sya kay Quinn at napaatras.
“Katarina! Katarina! Tumingin ka sa itaas,” tawag nya sa kaibigan habang itinuturo ang bintana kung saan nakatayo ang babae.
Bago pa man makatingin si Katarina at nawala na ang babae.
“I saw her again!” umiiyak na sabi nya.
Tuloy pa din sa pagsusuntukan sina Peterson at Blake. Inawat naman sila nila Cooper at Perry.
“Mabubuhay ba si Lindsey sa pagsusuntukan nyo?” galit na sabi ni Perry. “Para kayong mga bata!”
“Palibhasa pare, hindi mo girlfriend ang namatay!” galit na sabi ni Blake. “Bitawan mo nga ako!” Binitawan sya ni Perry at umahon sya sa pool.
“Si Quinn nga nawalan ng kapatid pero hindi sya ganyan ka-OA!” galit na sigaw ni Perry.
“Perry!” sigaw ni Katarina.
“What? Umaasa pa ba kayong buhay si Cole? Kung hindi pa tayo aalis dito, lahat tayo mamamatay!” paliwanag ni Perry.
Hindi naman napigilan ni Quinn na umiyak dahil sa narinig. “Hindi pa patay ang kapatid ko. Wala pa kayong nakikitang bangkay nya, di ba?” Nauutal nyang sabi.
“Huwag mo na lang intindihin si Perry.” Sabi ni Phoemela kay Quinn habang pinapakalma ito.
“Hanapin na natin si Cole, then we can all leave!” suggestion ni Katarina.
Naiwan si Blake sa labas katabi ang katawan ni Lindsey. Bumalik naman sa loob sina Katarina at ang iba pa para hanapin si Cole. Nagkanya-kanya sila ng hanap para mas mabilis.
“Quinn, maiwan ka muna dito sa kwarto. Sumigaw ka lang kapag may naramdaman ka. Okay?” Iniwan ni Phoemela sa kanilang kwarto si Quinn.
“Mag-iingat kayo. Sana makita nyo si Cole.” Umiiyak pa din s Quinn. Mabigat ang pakiramdam nya dahil naniniwala pa din syang buhay ang kanyang kapatid.
Lumabas ng kwarto si Phoemela. Inisip nya kung paano napunta si Lindsey sa kwarto sa itaas. Pumasok din sa isip nya na madaming sikretong daanan ang bahay kaya posibleng hindi lang sila ang tao doon.
Habang naglalakad si Phoemela sa hallway, hinahawakan nya ang pader dahil nagbabakasali syang isa sa mga iyon ay pintuan. Hindi lang halata dahil kakulay ng pader.
Nakarating sya sa dulo ng hallway pero wala syang nahanap na pintuan.
“Mukhang walang ibang pintuan dito.” Pabalik na si Phoemela ng biglang bumukas ang pintuan papuntang attic. Lumalangitngit ang tunog nito na parang dahan-dahan pang itinutulak para bumukas.
Sumilip si Phoemela sa pintuan at nakita nyang may hagdanan papataas. Umakyat sya dito ng dahan-dahan habang tinatawag si Cole.
“Cole. Cole are you here?” Nakakaramdam ng takot si Phoemela habang umaakyat sya. Pakiramdam nya ay may nakatingin sa kanya habang naglalalakad sya. Tumitingin sya sa ibaba para makita kung bukas pa din ang pintuang pinasukan nya.
Nakarating sya sa itaas ngunit wala namang tao dun. Naglakad pa sya papalapit sa higaan ng biglang may dumaang puting bagay sa kanyang likuran. Nagulat naman sya kaya agad syang napalingon.
“Co – Cole. Cole wa – wala namang takutan oh.” Nanginginig yung boses nya habang dahan-dahang umaatras. Nakita nya ang basag na bintana kung saan nakatayo ang babaeng kumaway sa kanya kanina.
Pababa na sana sya ng magpakita muli ang mabilis na bagay na dumadaan sa kanyang harapan. Sa sobrang takot ay hindi sya makasigaw kaya dahan-dahan na lang syang nagtago sa loob ng cabinet.
Isinara nya ito habang iniintay na mawala ang puting bagay na nakikita nya. Mula sa loob ng cabinet ay kita nya ang labas kaya madali para sa kanyang malaman kung nawala na ang bagay na iyon.
Habang nasa loob sya ng cabinet ay narinig nya ang boses nila Katarina mula sa ibaba. Dahil bukas ang pintuan kaya naririnig nya ito.
“Katz, I’m up here,” bulong nya sa kanyang sarili habang umiiyak. Laking gulat na lang ni Phoemela ng may biglang isang puting damit ang kanyang nakita sa harapan ng cabinet. Tinakpan nya ang kanyang bibig para mapigilan ang kanyang pag-iyak. Sa sobrang takot ay napapikit naman sya. Dahan-dahan syang umaatras para mapalayo sya sa pintuan ng cabinet.
Habang umuusod sya papaloob ng cabinet ay may biglang may isang bagay ang napansandal sa kanya. Medyo mabigat ito kaya hindi sya agad nakagalaw.
Hinawakan nya ang bagay na ito para tanggalin ng maramdaman nya na parang buhok ng babae ang kanyang nahawakan. Sa sobrang takot ay napabitaw agad sya at lalong napaiyak. Pagtingin nya ulit sa labas ay wala na doon ang puting nakatayo sa harap ng cabinet. Nakahinga na sya ng malalim. Wala pa sana syang balak lumabas ng biglang may nagsalita sa kanyang tabihan.
Ako ba ang hinahanap mo?
Hindi na sya nagdalawang isip na itulak ang cabinet at agad lumabas. Ngunit pagbukas na pagbukas nya ng cabinet ay nadaganan sya ng katawan ng isang babae. Padapa ang pagkakadagan ng katawan sa kanya. Laking gulat nya ng makita nyang katawan ni Madeline ang nakadagan sa kanya. Sa sobrang takot ay napagsisipa nya ito habang umaatras papunta sa sulok. Sa sobrang lakas ng sipa nya ay napatihaya ang bangkay ni Madeline. Maputla na ang katawan nito at tuyo na ang mga dugo sa kanyang katawan.
“Madz. I’m sorry.” Umiiyak nyang sabi. Pupunasan nya ng kamay ang kanyang mga luha ng biglang may pumatak sa kanyang noo. Hinipo nya ito at tsaka tingnan. Nakita nyang dugo ang pumapatak sa kanya kaya’t dahan-dahan syang tumingala.
“Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!” sigaw nya ng malakas ng makita nyang nakabigti ang katawan ni Cole. Labas ang dila nito at dilat ang mga mata. Ang kalahati ng kanyang katawan ay nakaharap sa likuran ang balikat at ang mga braso. Puro dugo ang buo nyang katawan na sya namang pumapatak kay Phoemela.
Dahil sa lakas ng sigaw ni Phoemela ay narinig sya nila Katarina na agad namang sinundan kung saan nanggaling ang kanyang sigaw. Nadatnan sya ng mga ito na nakaupo sa sahig at tulala. Iyak ng iyak at puro dugo ang noo.
“What the f*ck!” gulat na sabi ni Peterson ng makita ang bangkay ni Madeline.
“Phoem, are you alright?” tanong ni Katarina.
Parang walang naririnig si Phoemela. Tulala lang sya at iyak ng iyak.
“Phoem! Phoem!” Hawak-hawak sya ni Katarina sa dalawang balikat pero hindi pa rin ito nakibo.
“Uubusin nya tayong lahat. Uubusin nya tayo.” Umiiyak na sabi ni Phoemela.
Dahil paulit-ulit nya itong sinasabi ay sinampal na sya ng malakas ni Katarina. Nahimasmasan naman sya at nakilala nya ang mga kasama sa kanyang harapan.
“Katz?” niyakap nya agad ang kaibigan. “Katz, wala na si Cole.” Habang itinuturo nya ang itaas kung saan nakabigti si Cole.
Kahit ang mga lalaki ay kinilabutan at naawa sa itsura ng pagkamatay ni Cole. Hindi nila alam kung paano ito namatay at paano nakarating sa itaas.
“Mabuti na lang hindi na makikita ni Quinn ang mapait na pagkamatay ng kapatid nya.” Malungkot na sabi ni Cooper.
Nagtulong ang mga lalaki para maibaba ang katawan ni Cole.
“Katarina, umalis na tayo dito. Umalis na tayo. Uubusin nya lang tayo kapag hindi pa tayo umalis. Ayoko pang mamamatay.” Humagulgol na si Phoemela dahil hindi na nya mapigilan ang sarili. “Ayoko pa.”
Niyakap naman sya ng mahigpit ni Katarina. “Aalis na tayo dito. Hindi na tayo magpapabukas pa.” Inalalayan nya ang kanyang kaibigan pagbaba ng hagdanan.
Buhat-buhat ni Perry ang katawan ni Cole. Pinagtulungan naman nila Peterson at Cooper ang katawan ni Madeline dahil medyo may kabigatan na ito.
Dinaanan nila si Quinn na naghihintay sa kanilang kwarto. Hindi alam ni Katarina kung paano sasabihin sa kanya na ang iniintay nyang kapatid ay wala na.
“Quinn.” Umiiyak na bungad ni Katarina. “Quinn we found your sister.”
Napatayo naman agad si Quinn mula sa pagkakaupo. “Alam ko.”
Hinawakan sya ni Katarina at niyakap. “Cole’s dead. I’m sorry.”
“Paano mangyayari yun? Nandito lang sya kanina. Magkausap pa nga kami bago kayo pumasok. Hindi magandang biro yan.” Kinakapa ni Quinn ang tao sa kanyang harapan.
“Cole, Cole magsalita ka nga. Magpakita ka sa kanila. Di ba magkausap pa tayo.” Umiiyak na si Quinn dahil sa sinabi ni Katarina.
Inilapit ni Perry ang katawan ni Cole kay Quinn at ipinahaplos ang mukha nito. Agad naman nakilala ni Quinn ang hugis ng mukha ng kanyang kapatid at hindi na nya napigilan ang pag-iyak.
“No!!!!!!!!!!! Cole, bakit? Kaya ka ba nagpapaalam sa’kin kanina? Akala ko ba walang iwanan. Ikaw na lang ang nag-aalaga sa’kin. Paano na ako Cole.” Niyakap nya ang katawan ng kapatid na puno ng hinagpis. “Sana ako na lang ang nawala. Wala naman akong silbi. Cole, isama mo na ako.”
Hindi naman napigilan ng mga nandun ang malungkot at mapaiyak dahil sa mga sinabi ni Quinn. Tanging si Cole na lang ang nakakaintindi at nagta-tyagang mag-alaga sa kanya. At ngayon, nawala pa ito.
“Quinn, we’re leaving.” Inalalayan ni Katarina si Quinn pababa at palabas ng bahay.
Dalawang kotse lang ang kanilang magagamit. Ang kotse ni Cole at ang kotse ni Katarina na napalitan na ng gulong.
“Ipagda-drive ko na kayo.” Sabi ni Cooper kay Katarina.
“Wag na. Dito na kaming mga babae sa kotse ko. Dun na kayo sa kabila.” Pagmamataray ni Katarina habang papasok ng pinto.
Hinarang ni Cooper ang pagsara ng pintuan. “Hindi pwedeng wala kayong kasamang lalaki. Dito ako dun na sila.”
Tumingin si Katarina sa kaibigang si Phoemela at hindi na din ito nakatanggi. Inabot nya ang susi kay Cooper.
Inilagay nila sa compartment ng kotse ni Katarina ang katawan nila Cole at Madeline. Si Quinn, Phoemela, Katarina at Cooper ang magkakasama sa kotse nya. Samantala sa kabilang kotse naman ay sina Perry, Peterson at Blake ang magkakasama. Si Peterson ang magda-drive. Ayaw namang pumayag ni Blake na ilagay sa compartment ang katawan ng girlfriend nyang si Lindsey.
Papalabas na sila ng gate ng biglang may lumitaw na babae at hinarang ang sasakyan nila.
“Katz, sya yung babae. Sya yung nakita ko sa pool. Sya din yung nakita ko sa attic na kumakaway.” Takot na takot na sabi ni Phoemela.
Iniatras ni Cooper ang kotse pero laking gulat nya ng biglang sumulpot ang kotse ni Cole na dire-diretso at binangga ang babaeng nakaharang sa kanilang daanan.
Tumalsik ang katawan ng babae dahil sa lakas ng pagkakabangga dito.
Lumingon naman sina Katarina sa paligid at tinitingnan kung susulpot pa ulit ang babae.
Nakatingin sila sa labas ng biglang may duguang kamay ang humawak sa salamin ng bintana. Napasigaw sina Katarina at Phoemela dahil sa gulat. Takot na takot sila dahil sa nakita.
Laking gulat naman nila ng makita na ang matandang babae ang nabangga ni Peterson at hindi ang multo.
“Cooper, Cooper tulungan nating si manang.” Umiiyak na sabi ni Katarina.
“No.” Pinaandar na ni Cooper ang kotse. Bababa na sana si Katarina pero pinigilan sya ni Phoemela.
“Kats, wag na.” Umiiyak na sabi ni Phoemela na bakas ang pagkatakot sa kanyang mukha.
Binuksan na lang ni Katarina ang bintana at nakita nyang buhay pa ang matanda.
“Cooper, buhay pa sya.” Tinitigan ni Katarina ang matanda na dahan-dahang tumatayo habang nakakapit sa kotse.
“Hindi nya kayo titigilan. Walang makakaligtas kahit isa,” paulit-ulit itong sinasabi ng matanda at hinawakan nya ng mahigpit si Katarina.
“Bitawan nyo ako.” Sigaw ni Katarina habang pinipilit alisin ang kanyang kamay.
Isinara naman ni Phoemela ang bintana at pinaandar ni Cooper ang kotse na dahilan para maputol ng tuluyan ang naipit na kamay ng matanda.
Mabilis namang inihagis ni Cooper ang kamay sa labas.
“Are you okay?” nag-aalalang tanong nito kay Katarina.
Lumingon naman si Phoemela to make sure na hindi na nasunod ang matanda sa kanya. Nagulat sya sa nakita. “Tingnan nyo ang bahay.”
Itinigil ni Cooper ang kotse ganun din si Peterson. Bumaba sa kotse si Katarina at Phoemela.
“Holy crap!” gulat na gulat na sabi ni Peterson ng makita ang bahay.
Naging luma at sira-sira ang bahay na tinigilan nila. Parang isang bahay na matagal ng abandonado. Hindi nila alam kung paano nangyari iyon. Ang mga puno ay tuyot na gayundin ang mga halamang nakapaligid dito.
Basag na din ang salamin sa attic na parang matagal na panahon na talaga itong nabasag. Kinilabutan naman silang lahat kaya’t mabilis naman bumalik sa kotse sina Phoemela at Katarina.
Nagpatuloy na sa pagda-drive sina Cooper at Peterson pabalik sa kani-kanilang mga bahay.
“Everything will be alright now. Hindi na nya tayo masusundan.” Sabi ni Katarina kina Phoemela at Quinn.
Pinagmasdan nila ang kanilang dinaanan na parang ibang-iba dun sa nadaanan nila nung papunta pa lamang sila sa retreat house na iyon.
Umuwi sila ng may masamang alaala mula sa kanilang mga naranasan sa bahay na iyon. Nawalan pa sila ng mga mahal sa buhay. Hindi makakalimutan ng magkakasama kung anong mga nangyari sa maigsing panahon ng pananatili nila sa bahay. Na kahit sila mismo ay hindi maintindihan kung ano ba talaga ang tunay na dahilan at paano sila napadpad dun at kung bakit kailangan mayroon pang mamatay.