6: LINDSEY!
Nagulat ang lahat sa pagsigaw ni Cole mula sa kwartong pinagkulungan sa kanya. Nagpanic naman ang girls at agad pinuntahan si Cole. Nadatnan nilang nakapadlock ang pintuan.
“Sh*t nakalock! Sinong nagtatago ng susi nito?” tanong ni Katarina habang nakatingin sa kanilang lahat. Pero kahit isa sa kanila ay walang sumagot.
“Si manang? Nasan si manang?” pagpapatuloy ni Katarina. Umalis sina Cooper para hanapin ang matanda.
Kumatok ng kumatok sa pintuan sina Katarina at Phoemela para masiguradong nasa loob pa si Cole. “Cole! Cole! Okay ka lang ba dyan?” tanong ni Phoemela.
“My gosh! Masyado kayong OA! Gumagawa lang ng paraan yang si Cole para mapalabas sa kwarto. Nagpapaawa lang yan. Kung ako sa inyo, babalik na lang ako sa kwarto,” pahayag ni Lindsey. Tumalikod sya at bumalik na sa kanilang kwarto.
“Anong nangyayari sa kapatid ko?” umiiyak na tanong ni Quinn habang kinakapa ang daanan papalapit kina Katarina. “Okay lang ba sya?” pagpapatuloy nito.
Dali-dali namang bumalik si Cooper at tila gulat na gulat. “Guys, tumingin kayo sa baba.” Hinihingal nyang sabi sa mga kasama.
Nagtinginan sandali silang lahat at tsaka sila sumilip sa ibaba. Gulat na gulat silang lahat sa nakita. Malinis ang mesa at walang kahit anong bahid ng dugo.
“Nasaan ang katawan ni Madeline?” tanong ni Perry.
Nagmadaling bumaba si Katarina para mas makita ang pinagbagsakan ng katawan ni Madeline. Sumilip sya sa ilalim ng mesa. Tumingin sya sa dining room at sa may labas pero walang kahit anong bakas ni Madeline. Hindi sya mapakali at parang balisang-balisa sya.
“We need to find her body. Anong ipapakita natin sa family nya.” Humarap si Katarina sa kanyang mga kasama. “May narinig o napansin ba kayong mga pulis kanina or what?”
“That’s impossible. Sasaglit lang tayong nawala. Kung may dumating man dito, magiinvestigate muna sila and for sure tatanungin nila tayo isa-isa.” Sagot ni Peterson na gulat na gulat din sa nakita.
“Nakita ko ‘tong susi na nakasabit dyan sa lagayan ng kandila sa mesa,” inabot ni Cooper ang susi kay Katarina.
Kahit parang naguguluhan si Katarina sa mga nangyayari ay nagmadali syang umakyat para buksan ang kwarto kung saan nakakulong si Cole.
“Cole!” itinulak nya agad ang pintuan at hinanap agad ang kasama. Nakita nyang walang tao sa higaan kaya tiningnan nya ang buong kwarto. “Cole, where are you?” muling tanong ni Katarina.
Pumasok din naman ang iba pa nilang kasama sa loob para hanapin si Cole. Binuksan ni Phoemela ang ilaw sa shower room at pumasok sya dito. “Cole,” mahina nitong sabi. Nakita nyang walang tao sa loob kaya’t tumalikod na din naman sya ng bigla bumukas ang shower na ikinagulat naman ni Phoemela. Agad din naman nyang pinatay ang shower at lumabas na.
“Nakita mo ba?” tanong ni Katarina na nagwoworry ang itsura at parang natataranta.
“Wala, wala sya sa shower room.” Sagot ni Phoemela habang nagpupunas ng kamay.
“May mali dito. Paano sya makakalabas kung nakapadlock ang mga pintuan.” Tanong ni Cooper habang tinitingan ang buong loob ng kwarto pati na din ang kisame.
Nabalot ng sandaling katahimikan ang buong paligid habang nag-iisip silang lahat.
“Hindi kaya si Cole ang nagtago ng katawan ni Madeline?” tanong ni Peterson.
Nagtinginan sina Katarina at Phoemela. “Pero narinig namin syang sumigaw. At isa pa, sobrang bilis naman nya para malinis at maitago ang katawan ni Madeline habang nakakulong sya dito,” paliwanag ni Katarina.
“That’s possible. Kung may kasabwat si Cole madali para sa kanyang gawin yun.” Sagot ni Perry.
“Pero sino? Magkakasama tayong lahat kaya sinong tutulong sa kanya?” tanong ni Phoemela.
“Hanapin natin ang kapatid ko. Hindi maganda yung pakiramdam ko. Parang may hindi magandang nangyayari sa kanya.” Umiiyak na sabi ni Quinn habang nakatayo lang sa may pintuan ng kwarto.
Agad naman syang nilapitan nila Katarina at Phoemela para icomfort. “Don’t worry Quinn, we’ll find your sister,” mahinahong sabi ni Katarina at niyakap ang kasama.
Habang yakap-yakap ni Katarina si Quinn ay bigla syang may nakitang babaeng mabilis na dumaan sa may pintuan. “Cole?” agad nyang tinanggal ang pagkakayap kay Quinn at agad tumingin sa labas. Tumingin sya sa kaliwa at kanan dahil nagbabakasali syang makikita ang babae.
“Katarina, bakit? Nakita mo na ba ang kapatid ko?” tanong ni Quinn.
“May nakita kasi akong babaeng dumaan. Sobrang bilis lang kaya hindi ko nakita kung si Cole nga,” paliwanag ni Katarina na parang biglang nabalot ng pagkatakot.
Nagkatinginan silang magkakasama at parang nabasa nila ang isip ng bawat isa.
“Hindi kaya may kasama pa tayong iba dito na hindi natin alam? Yung invited din sa event at gusto lang tayong takutin?” umupo si Phoemela sa kama at nag-isip habang papatak na ang luha nya. “What if planado lahat ‘to? What if may masama talaga silang plano sa’tin? Natatakot na ‘ko.” Yumuko sya at napaiyak na lang dahil hindi na nya mapigilan ang takot na nararamdaman.
Nilapitan naman sya ni Peterson at hinawakan sya sa balikat. “Huwag kang matakot. Madami naman tayo. And be positive, baka isa lang ‘to sa surprise na inihanda para sa’tin,” mahinahong sabi ni Peterson.
Habang naguusap-usap ang lahat sa silid na yun ay nag-iisa naman sa kabilang kwarto si Lindsey habang nakikinig ng music. Nakahiga sya sa kama at nakapikit na kumakanta-kanta pa ng bigla syang may naramdamang malamig na humawak sa kanyang paa.
Nagulat naman sya kaya agad syang dumilat at umupo. “Sinong nandyan? Blake baby, is that you?” Sumilip sya sa may pintuan dahil nakabukas naman iyon pero wala syang ibang nakita.
Bumalik sya sa paghiga at sa pakikinig ng music. Ilang sandali lang ay biglang nagbago ang narinig nya. Nawala ang kanyang kanyang pinapakinggan kaya chineck nya ang phone nya kung anong problema.
Habang namimili sya ng song ay kusang naglilipat-lipat ang mga kantang naririnig nya. “May problem na ata ‘tong cellphone ko.” Ni-refresh nya yung lists para maayos at nagtagumpay naman sya.
Bumalik sa pagkakapikit si Lindsey. But after a minute biglang nawala ang pinapakinggan nyang kanta at napalitan ng boses ng babae.
Magtago ka na. Dahil mahahanap kita. Saan ka man magpunta, susunod ka na.
Paulit-ulit naririnig ni Lindsey ang boses ng babae na kinakanta ang mga salitang ito. Papalakas ng papalakas na parang hindi na nanggagaling sa cellphone. Nagulat naman sya kaya tinanggal nya agad ang earphones sa kanyang tenga. Pero naririnig pa din nya ang boses ng babae kaya pinatay na nya ang cellphone. Maya-maya ay nawala ang boses ng babae.
“Paranoid ka lang Lindsey. Relax.” Humiga si Lindsey at pinipilit ikalma ang sarili. Nagulat na lang sya ng bigla na lang tumunog ang cellphone nya. “Sh*t! Sira na talaga ‘tong phone ko.” Habang inooff na nya ang cellphone ay narinig nya ulit ang boses ng babaeng kumakanta.
Magtago ka na. Dahil mahahanap kita. Saan ka man magpunta, susunod ka na.
“Don’t f*ck with me guys! I’m not scared!” sigaw nito sa pag-aakalang tinatakot lang sya ng isa sa mga kasama nya. Pero hindi pa din tumigil ang boses na naririnig nya. Nakaramdam na din naman sya ng takot kaya minabuti na nyang dumapa at magtakip ng tenga.
Magtago ka na. Dahil mahahanap kita. Saan ka man magpunta, susunod ka na.
Papalapit ang papalapit ang boses na naririnig nya. Hindi na sya makatiis kaya’t bumangon na sya para sana sawayin kung sino man ang nananakot sa kanya. Laking gulat nya pagharap nya ay nakita nyang nakatayo si Cole sa tabihan ng kama.
“What the f*ck, Cole! You scared me to death!” gulat na gulat talaga sya. Napansin nyang tulala si Cole at walang reaksyon. Namumutla din ito an gang lalim ng mga mata na halos itim na ang kulay.
“Where have you been? Kanina ka pa nila hinahanap.” Tumayo sya at hinawakan sya sa kamay. “Mabuti pa magpakita ka na sa kanila.” Biglang napabitaw si Lindsey sa pagkakahawak kay Cole. “Sobrang lamig mo. Saan ka ba talaga galing?” Nauutal nyang sabi.
Bigla na lang umiyak si Cole. Kitang-kita ni Lindsey na dugo ang lumalabas sa kanyang mga mata.
“Oh my God! Cole what’s happening to you?” nag-aalalang tanong ni Lindsey na hindi alam ang gagawin. “Guys, Cole is here!” sigaw nya mula sa kwarto at nagbabakasakaling marinig sya ng mga kasama nya. Pero biglang nanakbo si Cole papalabas ng kwarto.
“Cole, wait! Where are you going?” sigaw ni Lindsey. Mabilis naman nyang sinundan si Cole at hindi na nya sinubukang puntahan ang mga kasama dahil baka mawala na naman si Cole.
Nanakbo si Cole sa dulo ng hallway at pumasok sa isang pintuan. Sinilip ni Lindsey kung ano ang nasa loob ng pintuan at nakita nyang mayroong hagdanan pataas.
“May daan pa pala dito? Siguro papunta ‘tong attic,” bulong nya sa sarili. Nagdadalawang isip pa syang pumasok. Ngunit ng marinig nya ang iyak ni Cole ay umakyat na din sya agad.
Pagdating nya sa itaas parang isang malaking kwarto lang din naman ang itsura. May isang malaking bintanang salamin sa gitna. “Attic nga ‘to ng bahay,” muling bulong nya sa kanyang sarili.
Dahan-dahan syang sumilip sa bintana. Nakita nya ang pool mula dun at napansin nyang nangalahati ang tubig nito. “Sinong nagde-drain ng pool?” bulong nya sa sarili.
Sobrang napakataas ng attic na yun mula sa ibaba. Dahil nakaramdam sya ng takot ay napaatras sya sandali. Malulain kasi si Lindsey at may fear of height sya.
Sa pagatras nya naramdaman nyang napadikit sya sa isang tao kaya’t mabilis syang humarap dito sa pag-aakalang si Cole iyon. “Cole.” Nanlaki ang mata ni Lindsey sa nakita.
Isang babae na nakayuko at nakaputi ang nasandalan nya. Matitigas ang buhok nito at may mga dugo din sa damit. “Sino ka? Nasaan si Cole?” nanginginig na tanong ni Lindsey.
Nakita na kita, kaya’t sa akin ka na.
Paulit-ulit na kinakanta ng babae ang mga salitang ito na mas lalong nagpatakot kay Lindsey. Dahan-dahan namang iniaangat ng babae ang kanyang ulo mula sa pagkakatungo.
“Stay where you are. Huwag kang lalapit.” Naiiyak na sabi ni Lindsey.
Nakita na kita, kaya’t sa akin ka na.
Nagiging nakakatakot na ang pagkanta ng babae at mas lumalakas ang boses nito. Hindi naman alam ni Lindsey ang gagawin.
Dahan-dahan namang humakbang ang babae papalapit kay Lindsey at ipinakita na nito ang kanyang mukha na lumuluha ng dugo at nanlilisik ang mata habang kumakanta ng Nakita na kita, kaya’t sa akin ka na.
Umaatras naman si Lindsey habang papalapit sa kanya ang babae hanggang pasandal na sya sa bintana. Napatingin sya sa ibaba at nakita nya kung gaano kataas ang kinalalagyan nya. Muli ay humarap sya sa babae. “Please, please wag kang lalapit.”
Tumigil ang babae sa harapan ni Lindsey at huminto din ito sa pagkanta. Ilang sandali lang at ibinuka ng babae ang kanyang bibig at lumikha ng isang matinis na tunog. Hindi matagalan ni Lindsey ang tunog kaya’t nagtakip sya ng tenga. Ilang sandali pa ay naramdaman nyang dumugo na ang kanyang tenga.
“Enough!” sigaw nito sa babae. Huminto ang babae sa paggawa ng matinis na tunog.
Tinanggal na din ni Lindsey ang kamay sa pagkakatakip sa kanyang tenga. Puro dugo na din ang kanyang mga kamay. Nakatingin sya sa babae ng bigla itong ngumiti.
Hindi nagustuhan ni Lindsey ang ngiti ng multo na lalong nagpakilabot sa kanya. Muli ay ibinuka ng babae ang kanyang bibig at lumabas ang maraming dugo na halos bumalot sa buong katawan ni Lindsey.
Walang magawa si Lindsey at hindi din sya nakaiwas. Sandali pa ay naramdaman nyang tumigil na ang pagsaboy ng dugo sa kanyang mukha. Mabilis nyang pinunasan ang kanyang mga mata gamit ang kanyang mga kamay para tingnan ang babae. Laking gulat nya ng mawala ito sa kanyang harapan. Tumingin din sya sa ibang bahagi ng kwarto ngunit wala dun ang babae.
Naisipan na nyang lumabas ng kwarto ng biglang sumulpot ang babae sa may hagdanan. Dahan-dahan ulit syang umaatras ng bigla syang sinalubong ng babae at hinawakan sya sa balikat. Malakas ang pwersa ng babae na nagtutulak sa kanya papalapit sa bintana.
Pinipilit nyang kumawala. Hinawakan ni Lindsey ang mga braso ng babae pero hindi nya ito maalis mula sa pagkakahawak sa kanya. Nakikita nya na papalapit na sya sa bintana at takot na takot na sya.
“Please, para mo ng awa. Wag!” Umiiyak na pakiusap ni Lindsey sa babae. Isang nakakakilabot na tawa lang ang narinig nya sa babae at mas lalong bumilis ang pagkakatulak sa kanya hanggang bumangga sya sa salamin ng bintana at wala na syang nagawa. Sa lakas ng pagtama nya sa salamin ay nabasag ito. Nahulog si Lindsey kasama ang mga nabasag na salamin ng bintana. Habang nahuhulog sya ay kitang-kita nya ang babaeng pinapanood ang pagkalaglag nya at rinig na rinig nya ang nakakakilabot na pagtawa nito.
Ramdam na ni Lindsey na iyon na ang kanyang katapusan at wala na syang nagawa kundi ang umiyak. Sobrang bilis ng pagbagsak nya pababa. Unang bumagsak ang kanyang ulo sa pool at dahil mababaw lang ang tubig tumama ang ulo nya sa sahig.
Narinig ng lahat ang malakas ng pagbagsak ng tila malaking bagay sa tubig at agad silang kinabahan.
“Ano yun?” gulat na gulat na tanong ni Quinn.