5: BABAE SA SHOWER ROOM
Papalapit si Katarina kay Cole pero pinipigilan sya ni Phoemela. “Katz.”
“It’s okay.” Sabi ni Katarina at lumapit ito kay Cole. “I don’t know kung coincidence lang lahat o pinlano mo talaga.” Sa tono pa lang nya parang may hindi talaga magandang ginawa si Cole.
“I don’t understand. Tell me what’s going on.” Tumingin si Cole sa kanilang lahat na parang humihingi ng tulong.
“May balak ka ba talagang masama kay Madeline kaya ayaw mo syang madala sa hospital?” Papalapit ng papalapit si Katarina kay Cole at galit na galit sya dito.
“What? I already told you na nawala yung susi ng kotse ko di ba?” Tumingin sya kay Phoemela. “What the hell is wrong with your friend?” This time bumitaw sya kay Quinn at nagkaron ng lakas ng loob para sagutin lahat ng sinasabi ni Katarina.
Lumapit na din si Phoemela sa kanila at inabot ang susi ng kotse ni Cole. “We found this kanina habang nagmamadali kang lumabas ng room. Nahulog mo.”
Gulat na gulat naman si Cole dahil alam nya talaga sa sarili nya na nawawala ang susi ng kotse nya. “Hindi ko alam paano nangyari ‘to, but I swear hindi ko tinago yan.”
Walang imik ang mga kasama nya at parang hindi sila makapaniwala sa mga sinasabi ni Cole. Dahil parang wala na syang kakampi humawak ulit sya sa braso ng kapatid nya. Pero dahan-dahang tinanggal ni Quinn ang pagkakahawak ng kapatid sa kanya.
“Quinn.” Malungkot na sabi ni Cole habang pumapatak ang luha. “Wala akong pakialam sa mga iisipin nila, Quinn. Ang importante sa’kin yung iisipin mo. Wag ka namang maniwala sa kanila.” At tuluyan na nga syang naiyak dahil mismong kapatid nya ay parang hindi naniniwala sa kanya.
“Naramdaman ko kagabi na bumangon ka. Tapos nakarinig ako ng ingay, parang hinihigit na mabigat na bagay. Tapos naramdaman ko na may isa pang lumabas hanggang sa may narinig akong malakas na tunog na parang mabigat na bagay na bumagsak. Tapos nagmamadali kang bumalik sa kwarto at nagtalakbong ng kumot.” Paliwanag ni Quinn na hindi na din napigilan ang pag-iyak.
Masakit para sa kanya na pagbintangan ang kapatid, pero kung madaming bagay ang magpapatunay na sya nga ang may kasalanan ay wala na syang magagawa. Nilapitan ni Phoemela si Quinn at kinomfort sya habang naiyak.
“Gusto nyo bang malaman ang totoo? Kung anong nakita ko?” Nilapitan nya ang matanda sa kanilang likuran at hinigit papalapit sa harapan ni Katarina. “Sya, sya ang may kasalanan ng lahat! Tanungin nyo sya!”
“Sumosobra ka na Cole. Pati matanda pinapatulan mo na.” Nainis si Lindsey dahil sa walang awang paghigit ni Cole sa matanda.
“Ako pa ang walang awa?” Nagpunas sya ng luha bago muling nagsalita. “Nakarinig ako ng mga ingay kagabi kaya ako bumangon. Akala ko –” tumingin sya kina Cooper, “ – akala ko galing sa room ng mga lalaki yung ingay pero hindi pala. Then I saw this old lady. Wala syang imik, naglakad lang sya at –” muli ay hindi na nya napigilang umiyak. “At nagpakahulog sya. Hindi ko alam kung paano nagkaron ng table dyan at hindi ko alam kung bakit si Madeline ang namatay hindi sya.”
“You’re unbelievable! Hindi ikaw ang kapatid na kilala ko. Please, kung sino ka man, ibalik mo na ang kapatid ko.” Hindi na mapawi ang pag-iyak ni Quinn dahil sa mga narinig mula sa kapatid.
Hinawakan nya ang matanda sa kanyang mga balikat. “Patay ka na. Kitang-kita kong ikaw ang namatay at hindi si Madeline. Anong ginawa mo sa kanya? Paano ka nabuhay?” Humigpit ang hawak ni Cole sa matanda at nasasaktan na ‘to.
Inawat naman agad ni Peterson si Cole mula sa pagkakahawak sa matanda na hindi na din napigilang umiyak. “Cole sumosobra ka na!”
Pumagitna na din naman si Katarina para hindi na masaktan ni Cole ang matanda. “Manang are you okay?”
Parang naghi-hysterical na din si Cole dahil sa mga nangyayari at dahil sariwa pa din sa kanyang isipan ang nakita nya kagabi. Hindi na din nakatiis si Katarina kaya sinampal na nya si Cole.
Natigilan naman si Cole dahil sa malakas na sampal na ibinigay sa kanya ni Katarina. Tumigil na din sya sa paghi-hysterical.
“Nakita ko ang buong pangyayari.” Umiiyak na sabi ng matanda.
Gulat na gulat naman ang lahat sa narinig. Tumahimik silang lahat para makinig sa gustong sabihin ng matanda.
“Hindi na sana ako magsasalita, pero hindi kaya ng konsenya ko.” Parang mahihimatay ang matanda sa pag-iyak.
Kumuha naman ng upuan si Perry at pinaupo nya ang matanda. Hinahaplos naman ni Katarina ang likod nito para makapagsalita pa sya.
“Kagabi nakarinig ako ng ingay kaya bumangon ako. Tahimik naman sa mga kwarto nyo kaya naisipan kong sumilip sa baba. Nakita ko sya –” muli ay umiyak ang matanda. “ – nakita ko sya. Itinutulak nya yung malaking lamesa. Yun yung ingay na naririnig ko. Sya ang nag-ayos ng lamesa dun.”
Nagkakatinginan ang lahat at nakakaramdam ng takot sa kinu-kwento ng matanda. Wala ni isa sa kanila ang makapagsalita dahil inaabangan lahat nila ang mga gustong sabihin nito.
“Nang makita ko syang papaakyat ng hagdanan nagmadali akong nagtago dun sa banyo na katabi ng kwarto nyo. Nakita ko syang hawak-hawak sa ulo si Madeline at tinatakpan nya ang bibig nito habang kinakaladkad. Gusto ko syang pigilan pero hindi nya ako pinansin.” Muli ay umiyak ang matanda na parang nahihirapang huminga.
“Manang are you alright?” pag-aalalang tanong ni Katarina.
Pero nagpatuloy pa din sya sa pagku-kwento kahit parang nahihirapan na syang magsalita.
“Nilapitan ko sya. Dun ko napansing may matulis na lagayan ng kandila sa mesa. Pero tiningnan nya lang ako at ngumiti sya. At – at pagkatapos nun – at pagkatapos nun – inihulog nya ang walang kalaban-laban na si Madeline. I – nihu – log nya!” Patuloy sa pag-iyak ang matanda ngunit wala syang binabanggit na pangalan sa kanyang kwento.
“Sino ba sya manang? Kasama ba natin sya dito?” tanong ni Cooper.
Tumango lang ang matanda. Ang lahat ay natakot ng malamang isa sa kanila ang pumatay kay Madeline.
“Sino po? Sino pong may gawa nun kay Madz?” tanong ni Quinn na sabik malaman kung inosente nga ang kanyang kapatid.
Tiningnan ng matanda isa-isa ang lahat ng mga nandun. Pulang-pula ang kanyang mga ata at putlang-putla.
“Walang iba kundi ikaw – ” at sinugod nya si Cole. “Ikaw Cole ang pumatay. Mamamatay tao ka. Kriminal ka!” Parang nag-iba ang boses ang matanda at pinagkakalmot nya si Cole.
Wala namang magawa si Cole at hindi sya makaiwas sa pananakit ng matanda. Sinasangga nya lang ang mga kalmot nito kaya’t nagdugo na ang kanyang mga braso.
Inawat ni Blake ang matanda at inilayo naman ni Cooper si Cole. Iyak ng iyak si Cole at hindi na inintindi ang hapdi ng mga kalmot sa kanya ng matanda.
“Hindi totoo yan. Nakita ko ang nakita ko. Hindi totoo yan.” Paulit-ulit na sinasabi ni Cole na hindi totoo ang sinasabi ng matanda.
“Ang lahat ng kwento mo ay gawa-gawa mo lang sa isipan mo. Ang kwentong gusto mong paniwalaan namin. Dahil paulit-ulit mo syang pinag-aralan para hindi ka magkamali, hindi mo na alam kung alin ang totoo at alin ang hindi.” Dugtong ng matanda na kumalma na ang boses.
Nagulat si Cole sa narinig mula sa matanda. “Hindi. Katotohanan lang ang sinasabi ko. Hindi yun imbento lang.” Nilapitan nya isa-isa ang mga kasama para kumbinsihin na wala talaga syang kasalanan. Pero ni isa sa kanila walang tumingin sa kanya ng diretso.
Pagtapat nya kay Katarina ay may pinakita itong butones. “Alam mo ba kung kaninong butones ‘to?” tanong ni Katarina.
Napatingin naman agad si Cole sa blouse na suot-suot nya. Nawawala ang isang butones at malamang na ang hawak ni Katarina ang nawawalang iyon. Hindi naman sya agad nakasagot dahil hindi nya alam kung paano natanggal ang butones na iyon.
“Nakita namin ‘to sa kamay ni Madeline. Kung hindi ikaw ang may gawa nun sa kanya, paano mo ipapaliwanag ‘to? Paano?” Sigaw ni Katarina na hindi na din nakapagpigil ng emosyon.
“May nagset-up sa’kin. Pero wala akong alam, wala akong dahilan para gawin yun kay Madeline.” Patuloy pa din ang pagdedepensa ni Cole sa kanyang sarili. Pinaninindigan pa din nya na wala talaga syang ginagawa.
“Walang motibo? O baka naman dahil hindi mo pa rin nakalimutan yung ginawa sa’yo ni Madeline?” Sabad ni Phoemela na umiiyak na din dahil sa tindi ng nangyayari sa kanila.
“Kinalimutan ko na yun. Utang ko pa nga kay Madeline ang lahat kung bakit hindi na ko nerd ngayon.” Pagpapaliwanag nya.
“Pero hindi ba first love mo yung inagaw nya? Sigurado ka bang wala kang itinanim na galit?” pang-aasar ni Lindsey na kahit takot na takot na ay hindi pa din umiiyak.
Biglang natigilan si Cole. Unti-unting bumalik sa kanya ang alaala ng nakaraan. Kung paano inagaw ni Madeline ang first love at first boyfriend nyang si Johannes. Tulala sya habang naalala ang eksena nakita nya sa araw ng anniversary nila ng kanyang boyfriend. Kitang-kita ng dalawa nyang mata kung paano naglalandian si Madeline at Johannes sa kotse. Hot and popular si Madeline noon samantalang sya ay opposite. Very conservative sya with braces at makapal na eyeglasses. Naramdaman nya ulit ang sakit na naramdaman nya noon.
“Hindi pa rin sapat na dahilan yun para pumatay ako ng tao.” Mahinahon nyang sabi.
“Tingin mo ba maniniwala pa kami sa’yo?”
“Dapat kang makulong.”
“Masama ka!”
Hindi na nya alam kung saan at sino ang nagsasalita. Hindi na sya makapag-isip ng ayos. Biglang pumasok sa isip nya ang kinwento ng matanda tungkol sa pagpatay nya kay Madeline. Hindi na nya alam kung alin ang totoo. Hindi nya alam kung sya ba talaga ang may kagagawan ng lahat.
Nakikita nya ang sarili na inaayos ang mesa at kinakaladkad si Madeline. Pero nakikita din nya na ang matanda ang nalaglag sa mesa at hindi si Madeline. May mga boses pa syang naririnig na inaakusahan sya. Ang tingin nya sa kanyang mga kasama ay matatalim ang pagtitig sa kanya. Umiikot ang kanyang paningin habang tinitingnan nya ang mga kasamang nandun.
Habang kung anu-ano ang kanyang naririnig at tinitingnan nya ang kanyang mga kasama ay napansin nyang may isang babaeng nakaputi ang nasa likuran ni Perry na lalong nagpatakot sa kanya.
Nagtakip sya ng tenga pero parang naririnig pa din nya ang pangungutya. “Tama na! Tama na! Wala akong kasalanan. Wala akong pinapatay!” Paulit-ulit pa ding naglalaro sa isipan nya ang pagkalaglag ng matanda at pangingisay nito pati na rin ang pagkaladkad nya kay Madeline.
Muli ay tumingin sya sa paligid at napansin nyang wala na sa likod ni Perry ang babaeng nakaputi. Paikot-ikot sya para hanapin kung nasaan ang babae, laking gulat nya ng makita ang babaeng papaakyat ng hagdanan. Nakakarinig sya ng kakaibang tawa na galing sa hindi pamilyar na boses.
Wala ng may gusto sa’yo, kaya mabuti pa maglaro na lang tayo. Kumakantang boses ng babae ang kanyang naririnig na paulit-ulit sinasabi ang mga salitang ito.
“Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!” Para na syang nababaliw, wala na syang ibang naririnig kundi ang kanta ng babae. Nakikita nyang kinakausap sya ng kanyang mga kasama pero hindi nya ito naririnig.
“Cole! Cole! Enough Cole! Enough!” Paulit-ulit na tinatawag ni Quinn ang kapatid pero wala syang naririnig. Pinagsasampal na din sya ni Katarina pero hindi pa din sya tumitigil sa pagsigaw at pag-iyak kaya minabuti na ni Peterson na sikmuraan sya ng hindi ganun kalakas. Nawalan naman ng malay si Cole dahil sa ginawa ni Peterson.
Ikinulong muna nila si Cole sa separate na kwarto hanggang hindi pa nadating ang mga pulis. Ilang sandali lang ay nagkamalay na sya. Dun nya lang naramdaman ang sakit ng kanyang katawan. Masakit ang kanyang mga pisngi at sikmura lalo na ang mga sugat nya sa braso na kinalmot ng matanda. Nang mapansin nyang mag-isa lang sya sa kwarto ay agad naman syang nagpanic. Hinanap nya agad ang pintuan at sinubukan itong buksan.
“Quinn! Katarina! Palabasin nyo ako dito.” Kinakatok nya ang pintuan pero walang sumasagot sa kanya. “Buksan nyo ‘tong pintuan para nyo ng awa!” Nanghihina na ang boses nya dahil na din sa mga sugat at sakit ng katawan nya.
Tumigil na sya sa pagkatok at umupo na lang sya sa tagiliran ng kama. Tinatakpan nya ang kanyang tenga dahil natatakot syang marinig na naman ang boses ng babaeng kumakanta na nakakatakot ang boses.
Maya-maya ay nakarinig sya ng tubig. Parang shower na nakabukas. Napansin nyang bukas ang ilaw sa shower room. Tumayo sya para silipin kung sinong nasa loob.
Dahan-dahan syang naglakad papalapit sa pintuan ng shower room. Bukas na ang pintuan kaya hindi na sya mahihirapang sumilip ito. Bukas ang shower at may nakita syang babaeng nagsa-shower. Nakatalikod ito at nagkukuskos ng katawan. Pinagmamasdan nya lang ang babae.
Patuloy pa din ang pagkuskos ng babae sa kanyang katawan. Humarap pa ito sa may pintuan at yumuko para basain ang kanyang likuran. Walang suot ang babae at lantad na lantad ang hubad na katawan nito kay Cole. Patuloy pa din ang pagkuskos at paghaplos nito sa kanyang katawan.
Abalang-abala si Cole sa panonood sa babae at bahagya nyang nakalimutan ang takot na kanyang nararamdaman. Bahagya syang pumasok sa loob ng shower room para mas makita ang babae. Napatigil ang babae sa ginagawa at napansin ang pagpasok ni Cole.
Humarap ito sa kanya at ngumiti. Ngumiti din naman si Cole sa kanya na hindi napansin na hindi nya kilala ang babaeng nasa kanyang harapan. Nilapitan sya ng babae at hinawakan sya sa kanyang kamay. Ilang sandali pa ay hinalikan na sya ng babae sa kanyang tenga na tila nagustuhan naman ni Cole. Napahawak naman si Cole sa ulo ng babae habang hinahalikan na sya sa leeg. Hindi alam ni Cole ang nararamdaman pero parang gusto nya ang nangyayari sa kanya sa mga oras na iyon. Patuloy pa din ang paghalik ng babae sa kanya at hindi na nakatiis si Cole, hinaplos na nya ang babae sa likod at sa dibdib. Hindi nagtagal ay napansin nyang parang may malagkit syang nahahawakan, tiningnan nya ang kanyang kamay at nakita nyang puro dugo ito. Hinawakan nya ang buhok ng babae at unti-unti itong natatanggal.
Biglang nakaramdam ng pagkatakot si Cole. Nang maramdaman ng babae na natatakot na si Cole ay bigla itong humarap sa kanya. Laking takot ni Cole ng makita na ang babaeng humahalik sa kanya ay si Madeline na duguan at nagtutuklapan ang balat na parang naaagnas.
“Masarap ba Cole?” tanong ng babae na tawa ng tawa.
“Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!” sigaw ni Cole habang patuloy lang sa pagtawa ang babae.