Mabilis na humiwalay si Elvira mula sa mahigpit na pagkakayakap niya sa katawan ni Lena nang marinig niya itong sinambit ang pangalan ni Uno. Labis na nagtaka si Elvira kung bakit ganoon na lamang ang namamayaning reaksyon sa mukha ng dalaga kaya't lumingon siya sa may gawing pintuan kung saan ito nakatingin. Gumuhit ang labis na pag-aalala sa mukha ni Elvira nang tumambad si Uno. Nakatayo ito sa may pintuan, namumugto ang mga mata, magulo ang damit at tila wala sa sariling katinuan. Napasapo siya sa kaniyang dibdib habang mapait na nakatitig sa binata. Gayon na lamang ang labis niyang pagtataka kung ano ang nangyari dito. Maayos naman ito nang magpaalam kanina. May nangyari kaya? Nag-tatakang tanong ni Elvira sa sarili. Hindi nararamdaman ni Uno ang kaniyang mga paa habang isa-isang i

