"Maaari ba akong tumuloy?" mahinang tanong ni Elvira nang buksan ang pinto. Nadatnan ni Elvira si Lena na naka-upo at nakasandal ang likod sa headbord ng kama habang malungkot na nakatingin sa labas ng bintana. Tama nga si Uno na malaki ang ibinagsak ng katawan ng dalaga matapos ang ilang araw na pamamalagi nito sa ospital. Palagi rin daw itong walang ganang kumain at mas gusto nito na manatili na lamang sa loob ng silid at doon magkulong kesa lumabas ng bahay at sumagap ng sariwang hangin mula sa kalikasan. Kitang-kita rin sa mga mata nito ang iniindang sakit at kawalan ng pag-asa. Hindi niya maiwasan na maawa sa dalaga habang nakikita ito na unti-unting tinatangay ng labis na panghihina. Ginawa na rin daw ni Uno ang lahat para bigyan ito ng lakas ngunit sa bawat araw na lumilipas ay

