Kabanata 24

1391 Words

Pinilit ni Uno na alalahanin ang lahat ng mga nangyari nitong nakaraang mga araw. Biglang lumitaw sa isip niya ang imahe ng natamong sugat ni Lena sa leeg noong muntikan pa itong gahasain ng tatlong kalalakihan habang pauwi galing sa bahay-ampunan. Saka lamang naalala ni Uno na nagtamo siya ng sugat sa kaniyang palad nang aksidente siyang mahiwa ng sarili niyang punyal. Nalaglag ito habang tinatahak niya ang daan patungo sa direksyon ng dalaga. Madilim sa buong paligid kaya hindi niya ito nakita. Nang kapkapin niya ito ay aksidenteng tumama ang kaniyang palad sa talim nito. Maaring naghalo ang kanilang mga dugo nang magdikit ang kanilang mga balat nang sandaling hinawakan niya ang mukha ni Lena. "Sa oras na naghalo ang iyong dugo sa kaniyang dugo ay magsisilbi itong lason na unti-unting

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD