Kabanata 2

1015 Words
"Huwag mo nang tangkain pang tumakas!" Narinig ni Amelia na utos ng isa sa mga armadong kalalakihan. Kapagkuwan ay muli siya nitong pinapatukan. Muling umalingawngaw ang malakas na putok ng baril. Muling bumulwak ang maraming dugo. Ramdam ni Amelia ang pagbaon ng bala mula sa kanyang likuran. "Paligiran siya!" Utos pa nito. Pinaligiran ng mga ito si Amelia upang siguraduhin na wala na itong kawala. Kitang-kita ni Amelia ang hawak-hawak nitong mga baril na nakatutok sa kanya. Isang maling galaw ay tiyak na tatadtarin siya ng mga mga bala. Muli siyang napapikit. "Diyos ko, kayo na po ang bahala sa anak ko. Huwag niyo pong hahayaan na masaktan at mapahamak si Adeline. Diyos ko!" Mataimtim na dalangin ni Amelia at mas hinigpitan pang lalo ang pagkakayakap kay Adeline. Subukan pa man niyang tumakas ay wala na siyang kawala sa mga oras na iyon. Pilitin man niyang magpakatatag para sa anak ay hindi na kakayanin ng kaniyang katawan. Marami ng dugo ang nawala sa kaniya. Unti-unti na ring nanlalabo ang kanyang paningin. At anumang oras ay handa nang bumigay ang kaniyang katawan. Tanging milagro na lamang ang tiyak na magsasalba sa kanila ng kanyang anak. "P-patawad a-anak... Patawad kung hanggang dito na lang si mama. Patawad kung wala akong nagawa upang iligtas k-ka. Mahal na mahal ka ni mama." Habang sinasambit ang mga katagang iyon ay patuloy lamang sa pagbuhos ang mga luha ni Amelia. Hindi niya akalain na dito lamang pala magtatapos ang lahat nang naging sakripisyo ng kanyang asawa. "M-mahal na m-mahal ka namin ng P-papa mo, a-anak." Pagkasabi noon ay tuluyan na ngang bumigay ang katawan ni Amelia. Yakap-yakap pa rin si Adeline na halos mapuno na ng dugo ang buong katawan. "Kunin niyo ang bata!" Utos pa ng lalaki na marahil ay ito ang tumatayong pinuno sa grupo. Agad na lumapit ang isa sa mga lalaki at kinuha si Adeline mula sa mga bisig ni Amelia. "M-mama," sambit ni Adeline. Mariin lamang na nakatingin ang batang si Adeline habang buhat-buhat ng lalaki na papalayo mula sa kinalugmakan ni Amelia. Wala na itong buhay at naliligo sa sariling dugo. "Bumalik na kayo sa sasakyan. Tatawagan ko lamang si Don Gustavo," matigas na utos ng lalaki. Nauna nang umalis ang mga tauhan nito kasama si Adeline. Kapagkuwan ay agad na kinuha ang cellphone mula sa bulsa ng suot-suot nitong six pocket cargo pants. Nagmamadaling denial ang numero ni Don Gustavo. "Si'ir, hawak na po namin ang bata," anito. "Magaling! Dalhin niyo kaagad sa akin ang bata. Siguraduhin niyo lamang na hindi iyan makakatakas dahil kung hindi ako mismo ang tatadtad sa inyo ng bala!" mariing tugon ni Don Gustavo sa kabilang linya. "Yes, Si'ir! Kami na po ang bahala!" Kapagkuwan ay agad na nitong ibinaba ang hawak na cellphone. "Sa wakas! Mapapasa-akin na rin ang matagal ko nang pinapangarap! Hahaha!" Malakas na halakhak ni Don Gustavo na umalingawngaw sa buong sulok ng opisina nito. Maisasakatuparan na rin ang matagal niya nang minimithi. Nasa batang si Adeline ang susi sa matagal niya nang minimithing buhay na walang hanggan. At kapag nangyari iyon ay siya na ang kikilalaning pinakamalakas at pinaka-maimpliwensyang tao hindi lamang sa buong Pilipinas kundi sa buong mundo. Mapapasailalim sa kaniyang kapangyarihan ang lahat ng bansa. Maliit man o malaki. At walang sinuman ang makakahadlang sa kaniyang mga plano. Sasambahin siya na parang diyos. Samantala paalis na sana ang mga tauhan ni Don Gustavo nang bigla na lamang pagbabarilin ang mga ito. Mabuti at pinalad si Adeline na makaligtas. Nagkataon kasi na nasa loob na ito ng sasakyan. Mula sa kalagitnaan ng dilim ay merong lumabas na lalaki. Nakasuot itong itim mula ulo hanggang paa. Dahan-dahan na itong humakbang patungo sa sasakyan kung saan naroroon si Adeline. Binuksan ang pinto ng sasakyan at doon natagpuan si Adeline na tahimik lamang na naka-upo. "Ligtas ka na," sambit ng lalaki. Pagkakita ay agad itong niyakap ni Adeline. "Papa,"narinig nitong sambit ni Adeline. Marahil ay inakala nito na siya ang ama, na marahil ay naramdaman na nito na ligtas na siya at nasa mabuti ng kamay. Sumilay ang ngiti sa mga labi ng lalaki. Ang labis na pangamba sa kanyang dibdib ay biglang napawi nang maramdaman ang mainit na yakap ni Adeline. "Huwag kang mag-alala Adeline, nandito na ako ngayon. Wala na sayong makakapanakit." pagkasabi noon ay maingat nitong binuhat ang batang si Adeline. Hahakbang na sana ito paalis nang tangkain siyang pigilan ng isa sa mga lalaking nakahandusay. "S-sino k-ka?" Hinahabol ang bawat paghinga dahil sa tinamong sugat. Mahigpit itong nakahawak sa may kanang buko-buko ng kanyang paa. Napalingon siya rito. Itinakip nito ang kamay sa mga mata ni Adeline. Inilabas ang baril at itinutok rito. "I-ikaw?" Hindi na naipagpatuloy pa ang sasabihin nang bigla na lamang itong pinaputukan ng lalaki ulo. Sanhi ng tuluyan nitong pagkamatay. Kapagkuwan ay tinungo na ng lalaki ang sasakyan na nakaabang ilang hakbang mula sa pinangyarihan. Maingat na ipinasok si Adeline sa loob nito. Matapos ay sumunod na ang lalaki sa loob. Mabilis na pinaharurot ang sasakyan at nagmamadaling linisan ang lugar na iyon. Dahil sa mga nangyari ay nakatulog si Adeline. Tahimik lamang itong pinagmamasdan ng lalaki. Malaki ang pasasalamat nito dahil walang masamang nangyari kay Adeline. Dahil kung nagkataon na napahamak ito ay hindi niya kailanman mapapatawad ang kaniyang sarili. Gustuhin man niyang makasama pa ito ng mas matagal ngunit hindi pa maaari. Hindi pa iyon ang tamang panahon upang magkasama sila. Upang pag-isahin sila. Hindi pa iyon, ngunit nakakatiyak siyang darating din ang tamang pagkakataon. "Huwag kang mag-alala Adeline. Hindi ko hahayaan na mapahamak ka. Hangga't nandito ako, mananatili kang ligtas kahit kapalit man nito ang aking buhay. Pangako iyan, Adeline," sambit ng lalaki habang marahang hinahaplos ang maamong mukha ng batang si Adeline. Sa ngayon ay walang ibang bagay ang mas mahalaga kundi ang masiguro ang kaligtasan ni Adeline. Tiyak na sa mga oras ding iyon ay naka-alerto na ang mga tauhan ni Gustavo upang tugisin siya. Upang bawiin si Adeline. Ngunit hindi niya iyon hahayaan na mangyari. Hangga't nasa kaniyang pangangalaga si Adeline ay magiging ligtas ito mula sa mga kamay ni Don Gustavo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD