Nang mag process sa lahat ang nangyari ay nagsimula na ulit kami. They gave us time to decide kung sino ang susunod na ilalaban namin.
Ang sabi kanina ni Mr. Torres ay kung sino ang unang magkaroon ng tatlong puntos, sila ang panalong team. Kaya naman nakatanga kami ngayon at nagiisip ng mabuti kung sino ang susunod para sigurado na ang panalo namin.
He also told us na sa ikatlong round ay hindi na pwedeng pumili sa opposing team kaya isasabak na lang kung sinong gusto.
"I can try." Sabi naman ni Trisha. Gaga ni bumitbit nga ng kamoteng kahoy hindi niya ginawa kagabi.
"No." Sagot naman ni Chase.
I looked at him incredulously. Edi sana kinuna niya si Trisha para wala siyang gawin. Paguntugin ko silang dalawa e.
"Edi sino? Gusto niyo si Saph ulit para kayo sipain niya." Sagot ko naman.
"Ako na lang." Sabi naman ni Zia.
"Of course you won't. You can but you won't." Sabat naman ni Elijah.
"Alam mo pa sa 'kin e ikaw kaya suntukin ko?"
"Makinig ka muna kasi. They will definitely choose their strongest teammate and that would be a guy, kaya we have to pick wisely." Sagot naman niya.
"Are you underestimating me?" Paghahamon ni Zia. Kapag si Elijah sinuntok nito ewan ko na lang.
"I'm not. Pero pwede ka kasing masaktan ng sobra dahil alam naman nating pwede silang mandaya and he will take advantage of you." Sagot naman ni Elijah.
"He has a point." Sagot naman ni Eithan.
"Nagiisip ka pala?" Tanong ko naman kay Elijah.
"Sakalin kaya kita?"
"Try me, Lij."
"Birubiruan lang." Sagot naman niya.
"Zeke would be our ace for this round but he's with Selene. Aiden also, but he's with Saph. I'll do it then." Si Eithan.
Humarap naman si Elijah sa amin na kaninang nakatingin sa kabilang grupo.
"We would love to watch you fight, Eithan, but I'll do it."
"Gago tumigil ka nga. Baka ano pang gawin mo sa gitna." Sabi ko kay Elijah. Tumayo naman siya ng tuwid at nagpamewang pa na parang bakla.
"You underestimate me? You? Ha?" Sabi nito sa akin. Tinampal ko nga siya.
"Tigilan mo 'ko Elijah, susuntukin kita." Sabi ko sa kanya.
Umayos naman siya at tinignan si Eithan. "But yeah, I'll do it." Sabi niya at tinignan si Chase na nakatayo lang at nakapamulsa. "I'll do it, Chase." Sabi niya rito. Nakatingin lang ng diretso si Chase at hindi siya pinansin.
"Chase, ako na sabi... Huy Chase. Ako na gagawa Chase."
Sinakal siya si Zia at inalog alog pa siya.
"Ang dami mong sinasabi! Pumunta kana sa gitna hayop ka ang dami mong kinuda, nagpapaalam kapa ah!" Tsaka na niya binitawan.
"Nagpapaalam lang ako." Sagot pa ni Elijah at parang naiiyak pa pagmumukha niya. Ang kulit kasi ng hinayupak e.
Pumunta naman na siya sa gitna at ganon din ang makakalaban niya.
"Siya yung tumulak kahapon sa 'kin sa may woods." Sabi naman ni Zia.
"Ay! Dapat sinuntok mo." Sabi ko sa kanya tsaka ako tumuwa.
"Kaya naman pala gusto niya siya na lang." Sabi naman ni Eithan kaya sinundot ko sa tagiliran si Zia. Hinampas lang niya ang kamay ko.
"Where's Saph?" Tanong bigla ni Zeka na kadarating lang.
"Hanapin mo~" Sagot ko sa kanya kaya napakamot na lang siya. Kung hanapin naman niya si Saph parang hindi si Selene yung kinampihan niya kanina. Sampalin ko kaya siya? Wag na.
"Cali!"
"Sino ba yang putanginang tawag ng tawag?" Tanong ko at tumingiOhn sa likod. Speaking of the ancestor of the devils.
"Anong tawag ng tawag? Isang beses lang kitang tinawag sikmuraan kita e." Sagot sa akin ni Saph na may plaster malapit sa mata.
"Oh wag kang magalit."
"Anong trip niyan?" Turo naman niya kay Elijah.
"Babawi para sa girlfriend." Nakakaloking sagot ko kaya kami tinignan ng masama ni Zia.
Mr. Torres finally whistled kaya umayos na sila ng tayo at nagsusukatan ng tingin.
Ganyan ba talaga magaway ang mga lalaki? Dapat suntok agad e.
Unang sumugod yung kalaban pero mabilis na iniwasan yun ni Elijah patagilid at sinipa siya sa sikmura sabay taas ulit ng paa niya para sipain siya sa may bandang batok kaya napaluhod agad siya.
Napa 'woah' naman ang ibang nanonood sa bilis ni Elijah. Crush niyo lang niyan guys e, no? no?
Tatayo na sana ulit yung lalaki pero sinipa siya sa may bandang dibdib ni Elijah kaya napahiga siya. Elijah then stepped on his chest but with less pressure.
"Gagu Elijah." Sabi naman ni Saph.
May sinasabi si Elijah sa lalaki pero hindi namin marinig. Nang walang balak sumagot yung lalaki idiniin ni Elijah ang pagkakaapak niya sa dibdib niya. Napasigaw naman ang lalaki sa sakit but Elijah didn't bother removing his foot.
"Fine! I-I'll say it!" Sigaw niya kaya inalis ni Elijah ang pressure sa dibdib niya pero nakapatong pa rin ang paa niya.
"I-I'm sorry for pushing you yesterday in the woods, Keziah Collins!" He shouted. Elijah just smirked and removed his foot on his chest and that's when Mr. Torres whistled.
"Team number six won. And for team number thirteen, you will be disqualified for this out of town activity, dahil gumamit kayo ng dahas sa activity na hindi naman kinakailangan ng pisikalan. No points, no nothing. Say goodbye to the possible prize of 2 days 5 star hotel staycation. Just enjoy the rest of this out of town but don't do anything stupid." Sabi ni Mr. Torres.
"5 star hotel ang prize? Dang~" Sabi naman ni Saph.
"Guys, ayusin natin ah? Sayang yon dalawang araw tayong hindi papasok." Sabi ni Elijah na nakabalik na pala.
"Wag ka nang magaral, para hindi na lang din namin nakikita yang pagmumukha mo." Sabi ko sa kanya. Inisnob lang niya ako at umakbay kay Zia. May ganon?
Pinanood na lang din namin ang ibang team hanggang sa matapos kami at naglunch na. Ganon din sa mga sumunod na activities at marami naman kaming nakuhang points. Siguro. Ewan ko, wag niyo 'kong tatanungin.
Bukas pa namin malalaman kung sino ang panalong team dahil sila ang nagt'tally ng mga scores.
Nang matapos ang activities para ngayong araw ay nag si ligo na kami at pumasok sa mga cabins namin.
Nang mabagot ako sa loob ng cabin ay lumabas ako at umupo sa tapat non. Nakatunganga lang ako at walang iniisip kasi wala naman ako non. Gusto ko lang talagang lumabas dahil tahimik na.
"What's on Calista's mind?" Someone asked and sat beside me.
"Eithan."
He just gave me a smile at tumingin sa harapan kung nasaan ang grounds na pinalilibutan ng mga poste. Huminga lang ako ng malalim at tumingin din sa harapan habang yakap ang dalawa kong paa.
"Wala naman. Lumabas lang ako dahil gusto kong magpahangin, and it's finally quiet." I said.
"Should I leave then?"
"No." Natatawa kong sagot sa kanya at tinignan siya. Those boba eyes of him are making me want to stare at them forever. He looks so innocent.
Nakatingin lang din siya sa akin as if memorizing my features.
"I love your eyes." He said kaya napakurap ako at napa iwas ng tingin.
I cleared my throat and asked him, "H-ha?" Gago Cali, stutter pa tanga.
He just chuckled and smiled.
"I said, I love your eyes. They're so bright and beautiful."
"Should I thank my parents then?" I asked him at tumawa lang siya ng mahina.
"Alam mo bang curfew na?" Tanong niya sa akin.
"H-ha? Curfew na?"
"Yeah. It's almost 1."
"E bakit nasa labas ka pa?"
"Kasi nasa labas ka pa." Sagot niya sa 'kin.
"Nagaadik ka ba?" Tanong ko sa kanya tsaka kami sabay na tumawa.
May sasabihin pa sana ako nang may lumabas ng kwarto malapit sa dining hall at nakita kami.
"Students, it's already passed the curfew! Anong cabin number niyo?!" He shouted kaya napatayo kami ni Elijah at pabigla kaming tumakbo papasok sa mga cabins namin. Sa kabilang side pa yung sa kanya kaya bahala siya kung mahuli siya.
Pagpasok ko sa kwarto at binuksan ko ulit ng konti ang pinto at sumilip sa labas. Hindi ko naman na nakita si Elijah kaya baka nakapasok na siya.
Nang isasara ko na ang pinto ay tatalikod na sana ako nang paglingon ko ay nandon sina Saph at nakasilip din sa labas.
"Tang- ano ba?! Nagulat ako. Gago ba kayo? Ano bang sinisilip niyo?" Tanong ko sa kanila ni Zia.
Linayo naman na nila ang mga ulo ni sa pinto kaya sinara ko na 'to.
"Ikaw, anong sinisilip mo?" Tanong ni Saph sa 'kin.
"W-wala! Nagpahangin lang ako." Walang kwenta kong sagot ko.
"Cali, may lumabas na ba sa mga staffs?" Tanong ulit ni Saph.
"Oo. Kaya nga pumasok na 'ko e. Mamaya mabawasan pa points natin."
"Labas tayo." Sabi niya sa amin at ginalaw galaw pa ang mga kilay niya.
"Ang pangit mo tanga, manahimik ka." Sagot ko sa kanya.
"May lumabas na rin naman na staff kaya hindi na nila titignan niyan. Tara na, iwan na lang natin si Trisha." Bulong pa nito.
"Sino bang nagsabing isasama natin siya? Hambalusin ko pa siya." Sagot ko sa kanya.
"Hoy, kayong dalawa. Tigilan niyo na yang pinaplano niyo." Sabi naman ni Zia.
"Sus, itong si Zia naman oh." Sabi ko at tsaka siya inakbayan.
"Magiikot lang tayo Zia, okaya sa may grounds lang." Sabi naman ni Saph.
"Papasok din tayo agad ah?" Tumango kami ni Saph. "Osige five minutes lang." Sabi niya.
"Gunggong ka ba? E sa limang minutong yon sakto lang tayong nakarating sa grounds." Pang eexaggerate ni Saph sa estimated time of arrival namin. Estimated time of arrival? Iyess~
"Oo na, oo na. Ten minutes." Sabi naman ni Zia. Tinignan ako ni Saph na parang nagtatanong.
"You son of a b***h, I'm in." Itinaas ko pa ang kamay ko na naka pa turo pa ang daliri sa kanya. Tumawa lang siya tsaka na binuksan ang pinto at dahan dahang lumabas.
Nang makalabas na kaming tatlo ay naglakad na lang kami na parang hindi mali 'tong ginagawa namin.
"Lamig ah." Sabi ni Zia.
Pagdating namin sa grounds ay umupo lang kami sa may bandang gitna at nagkwentuhan habang nangangalikot ng damo.
"Sa tingin niyo ba... gusto ako ni Elijah?" Tanong ni Zia. Tumawa lang kami ni Saph pero pigil dahil baka may makarinig sa amin.
"Ganda oh." Sabi ko sa kanya at pinatong pa ang palad ko sa baba niya.
"Halata naman e. Hindi naman yon didikit ng ganon sa'yo kung hindi." Sagot naman ni Saph.
"Baka naman friendly lang talaga siya." Sabi ko naman.
"Wow Mr. Friednship ampota. Gwapo yan Elijah?" Sagot ni Saph kaya tumawa ulit kami at naghampasan.
"Paano kung oo?" Tanong ni Zia kaya napatingin kami sa kanya.
"At talagang seryoso ka ah?" Sabi ko sa kanya.
"Pumunta na nga lang tayo don." Sabi ni Saph at tinuro ang kabilang dulo ng hallway ng cabins ng mga boys.
"Huy, ano ba? Sabi niyo sa grounds lang." Sabi naman ni Zia.
"Naniwala ka naman? Alam mo namang may lahing sinungaling ang lahing unggoy natin." Sabi ko sa kanya at tumayo. Wala naman na siyang nagawa at tumayo na rin habang nagkakamot.
Nang makapunta na kami sa kabilang dulo ng hallway ay naglakad na kami habang tinitignan pa ang mga cabins nila.
Lumapit pa kami sa isang bintana ni Saph at sinilip ang loob non habang nakalagay pa sa magkabilang gilid ng mukha namin ang mga kamay namin.
"Cali, Saph! Ano ba? Sabi niyo lalakad lang tapos babalik na." Hindi namin siya pinansin.
"Gagu, tulog na tulog?" Natatawang sabi ni Saph at tinignan pa ako kaya natawa ako sa pagmumukha niya. Nahawa naman si Saph sa pagtawa ko kaya pareho kaming tumawa.
Narealize lang namin ni Saph na napalakas ang tawa namin nang may nagbukas ng pinto at lumabas. Napatingin siya sa amin kaya nagkatinginan kami ni Saph.
"Tol sina Sapphire!" Sigaw nito kaya pabigla kaming tumakbo sa hallway at tumatawa pa nung una. Siya yung humipo kay Saph noon dahil tinuro siya sa amin ni Saph.
"Gagi, kapag tayo nahabol nila lagot ang points natin." Hinihingal na sabi ni Zia. Napailing lang ako at tinuro ko sa kanya na lumiko na siya ng takbo papunta ng grounds at mas binilisan pa namin.
Tumatakbo lang kami sa may grounds nang lingunin ni Zia si Saph.
"Tangina Cali, si Saph." Sabi ni Zia kaya napatigil din ako gaya niya. Nasaan na ba siya?
Babalikan sana namin siya nang makita na kami nung mga lalaki kaya hinila ko na si Zia para tumakbo ulit.
"Paano si Saph gagi?" Tanong niya
"Alam naman niya ginagawa niya. Makakapagtago yon." Sabi ko atsaka ko na ulit siya hinila para tumakbo.
Nang makapasok kami sa cabin namin ay pagod na pagod kami ni Zia.
"Saan ba kasi nagsususuot yang si Saph. May lahi ba yong paniki? " Tanong ni Zia.
"Ang sabi natin unggoy lang." Sabi ko kaya kami natawa. Saph can handle herself. Kapag hindi namin siya nakita hanggang bukas, edi... Rest in hell our little devil.