chapter 13

722 Words
RICCA JANE POV NAGISING ako ng may maramdaman akong mabigat na bagay na naka dantay sa legs ko. Kinusot kusot ko pa ang mata ko dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko galing sa bintana. Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko. “AHHHH!” - Pag sigaw ko ng makitang mahimbing na natutulog si Kuya jacob sa tabi ko while his arms wrapping around my waist, at ang mga hita rin nito ay naka dantay sa akin kaya pala hirap akong gumalaw dahil sakanya. “hmm! your so noisy im still sleeping” - inaantok na sambit nito pero nakayakap parin ito sakin. Tinignan ko naman ang sarili ko dahil baka may ginawa na siyang masama sakin pero naka suot naman ako ng damit at wala rin akong ibang maramdaman. “kuya jacob ano ba! Alisin mo nga yang legs mo ambigat” - binalibag ko ang legs nito kaya bigla niyang namulat ang mga mata niya. “ bakit ba nandito ka sa loob ng kwarto ko ha?” - naiinis na tanong ko sakanya bumangon ako sa pagkakahiga at deretsyong naka tingin sakanya. Napa pikit ulit ito kaya niyugyog ko siya. “kuya jacob ano ba! bakit ka nga nandito? may kwarto ka naman‚ ikaw ha baka kung ano na ang ginawa mo sakin” - pangbibitang ko sa kanya‚ napa mulat naman ito habang seryosong naka tingin sakin at tinaasan ako ng kilay. “baka nakakalimutan mo na tumakas ka ng bahay at pumunta sa bar jane” - seryusong sambit nito kaya napa simangot nalang ako Oo nga pala tumakas ako‚ pero wala akong matandaan. “kung iniisip mo kung paano ka naka uwi sinundo kita sa bar‚ kung hindi pa ako dumating tinangay kana nang lalaking yon baka malaman nalang namin nasa ilog kana” - sambit nito na para bang nababasa niya ang iniisip ko. “bakit ano bang nangyari kagabi?” I confusely asked. “hindi mo talaga matandaan jane?” - tanong nito at bumangon sa pagkakahiga‚ pansin ko rin na naka pantulog itong damit. “one guy came to you may pina inom siya sayo tapos bigla ka nalang naka tulog‚ Basta Basta ka lang kasing nagtitiwala kaya ayaw kitang papuntahin sa bar dahil ganyan ang nangyayari‚mabuti nalang pumunta si ate tin sa kwarto mo‚ hindi pa sana namin malalaman na umalis ka ng bahay. Mabuti nalang din na track ko ang location mo kaya nalaman ko na nasa bar ka” - pag kekwento nito sa nangyari kagabi. “so should I be thankful to you for helping me?” - mapang asar na tanong ko sakanya. “Oo kasi naka rating ako sa bar na ganito ang suot ko” - pag turo nito sa suot niya. “pft" pag pigil tawa ko “mabuti nalang pinapasok ka ng guard ” - natatawang sambit ko sakanya. “mabuti nalang nadaan sa pakiusap‚ wala ka bang natatandaan kagabi?” - napakunot naman ang noo ko dahil sa tanong niya bakit may nangyari pa ba kagabi na hindi ko matandaan. “basta ang natatandaan ko lang mag isa akong umiinom yon lang, bakit may iba pa ba akong ginawa kuya jacob?” - curious na tanong ko sakanya. “ah wala” - tipid na sagot nito‚ tumayo na ito at inayos ang suot niya. ”thank you kuya jacob kahit na pasaway ako” - nahihiyang pasalamat ko sakanya. “ welcome silly girl” - naka ngising sambit nito‚ nakakapagtaka bakit parang ibang jacob ang kausap ko ngayon, ngayon ko lang siyang nakitang ngumiti ng ganon. “basta don't do that again okay if you have a problem feel free to tell it to me‚ wag na wag ka nang tatakas ng bahay it's that clear jane?” - seryusong sambit nito na ikinatango ko. “good girl‚ now fixed yourself sabay na tayong mag breakfast” - ma awtoridad na sambit nito, lumabas ito ng kwarto nang hindi ako naka kibo‚ what's with him‚ hindi niya ako pinagalitan‚ ngumingiti na rin siya. O baka naman good mood lang siya hay ricca jane kailangan mo rin maging handa sa pag babago ng emotion niya baka mamaya beast mood na naman siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD