chapter 8

833 Words
Umalis na ako sa palayan ng hindi na ako pinansin ni ricca‚ hindi ko na rin siya ginulo pa okay na sakin na nakita ko siyang nandito pa. “Sir jacob ano po nakita niyo po ba si Miss ricca?” bungad na tanong sakin ni ate tin ng maka balik ako sa bahay. “hmm nasa palayan siya” sagot ko sakanya na ikinalungkot niya. “bakit po nandon siya? Eh akala ko ba Isang araw lang yung pinagawa mo sakanya” naka ngusong sambit nito. “mas gusto niya na nandon siya malayo daw sa masasama ang ugali ”sagot ko sakanya at umupo sa sofa. “pero kahit na Sir jacob alam niyo naman na hindi siya sanay sa palayan‚ tapos hinayaan niyo siya na nandon” reklamo nito‚ Napa hilot nalang ako sa sentido ko. “ate tin wala na akong magagawa mas gusto niya talaga don‚ ayoko na mas lalo siyang magalit sakin baka isipin niya pinapakialaman ko na naman ang buhay niya” mahabang sabi ko sakanya‚ narinig ko naman na napa hinga ito ng malalim. “hay may pagka pasaway din kasi si Miss ricca gusto niya na nasusunod ang gusto niya” buntong hininga na sambit nito. “hayaan na muna natin siya‚ kung yan ang mas makakabuti at gusto niya” tanging sambit ko AVIANNA POV Buong araw lang akong nasa palayan hinatidan lang ako ni ate tin ng maka-kain ko. Ayoko pang makita ang pagmumukha ng mga pabida sa bahay. “sige kuya patrick salamat bukas ulit” masayang paalam ko sakanya‚tapos na rin kasi ang gawain namin at hapon na. “sige Miss ricca salamat din” naka ngiting sagot nito. Tuluyan na akong umalis at nauna na sakanya‚ masaya akong kumakanta kanta habang tinatahak ang daan papunta sa bahay. “Akala ko pa naman umalis na” bungad na sambit ni martha ng maka pasok ako sa kusina para uminom ng tubig‚ I just rolled my eyes on her at nag salin ng tubig sa baso. Buti wala dito ang isa niyang alipores. “hindi parin talaga nadadala sinigawan na nga‚ kung ako yun lalayas na ako dito” sambit parin nito. Nang matapos akong uminom ay nilapag ko ang baso sa stole ng kitchen. Malamig ko itong tinignan at sabay na nag smirk. “edi lumayas ka wala namang pumipigil sayo” mataray at malamig na sambit ko sakanya. “ikaw ang dapat na umalis dito‚ kasi ako matagal na dito” mataray na sagot rin nito sakin. “ako? Aalis?” natatawang pag turo ko sa sarili ko. “hindi ako aalis dito ikaw ang dapat na umalis” galit na sambit ko sakanya. “sino ka sa inaakala mo? Aalis lang ako dito pag si sir jacob na ang mismong magpapa alis sakin” mataray na sambit nito habang may pa irap irap pa. “sino ka rin sa ina-akala mo?” balik na tanong ko sakanya ” pareho lang tayong naninilbihan dito kaya wag kang umasta na parang ikaw itong may Ari ng buong farm” sarkastikong sambit ko. “Mas matagal na akong nandito kesa sayo kaya may Karapatan ako dito” naka ngising sagot nito. “matagal kana ngang nandito‚ pero bakit nasa maid quarters ang tulugan mo? Ako na Isang buwan palang na nandito nasa Malaki at malambot na kama ako nakahiga with aircon‚ tv pa” mapang uyam na sambit ko sakanya. pansin ko naman ang pagka inis nito kaya napangiti nalang ako‚ ayoko talaga ng sinisimulan ako lumalabas ang pagiging maldita at pilosopa ko “alam mo ikaw somo-sobra kana ha” nang-gigil na sambit nito‚ lumapit ito sakin para kunin ang buhok ko pero mabilis akong naka layo sakanya‚ gigil itong naka tingin sakin habang ako ay naka ngisi lang na naka tingin sakanya. “ano hanggang sabunot ka lang ba martha malaki mata?” pangaasar na natatawang tanong ko sakanya‚ inis at galit lang itong naka tingin sakin habang naka kuyom ang kamao. “anyway hindi ako somo-sobra kulang pa nga eh ” pang-uuyam ko sakanya. “talagang sinusubukan mo ako!” nanggigil na sambit nito‚ lumapit ito sakin at balak sana akong sampalin pero mabilis kong nadampot ang kutsilyo at itinutok sakanya. “sige subukan mo!” sambit ko habang naka tutok ang kutsilyo sakanya‚ napa laki naman ang mata nito nang makitang kutsilyo ang naka tutok sakanya. “wag mo akong sasaktan maawa ka!” pakiusap nito na ikinatawa ko. “sa tingin mo ba maniniwala ako sa acting skills mo huh! no way‚” natatawang sambit ko‚ naka tutok parin ang kutsilyo sakanya. “JANE ! Put down the knife baka makasakit ka” biglang sulpot ni kuya jacob pero hindi ko siya sinunod‚ umiiyak namang lumapit sakanya si martha as I expected mag papaawa na naman siya kay kuya jacob para kampihan siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD